Tagalog News: Book Fair isinagawa ng EQuaLLs2
Koronadal City (29 October) -- Isang Book Fair ang isinagawa ng grupong mula sa Education Quality and Access for Learning and livelihood Skills (EQuaLLs2) Project sa Library ng Notre Dame of Marbel University (NDMU).
Layunin nito na matulungan ang mga guro na mapabuti ang kanilang pagtuturo at sa mag-aaral na mapunan ang kanilang pangangailangan sa pag-aaral isa na dito ang pagkakaloob ng mga libro lalo na yaong nasa depressed schools sa mga piling rehiyon sa Mindanao.
Ang nasabing mga libro ay mula sa Brother's Brother Foundation kung saan pangunahing mapagkakalooban nito ang mga paaralan ng Region IX, XII at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Para naman sa pag-transport ng nasabing mga libro, ipinangako ng Petron na sasagutin nito ang lahat ng gastos sa pamamamahagi ng mga libro sa iba't-ibang paaralan sa ilalim ng Education Livelihood Skills Alliance (ELSA). (Abbenal/PIA 12) [top]