Tagalog News: Contingency Plan ng DOLE 12
Koronadal City (29 October) -- Sa isang Press Conference na ginanap dito sa Koronadal City, inihayag ni labor director Atty. Ma. Gloria A. Tango na nakapaghanda na ang Department of Labor and Employment (DOLE) dito sa rehiyon dose ng isang Strategy Plan na gagamitin sakaling magkakaroon ng malaking epekto sa mga Overseas Filipino workers na nagmumula sa rehiyon ang kasalukuyan global financial crisis.
Ayon kay Tango, ipinaghanda na ng kanyang tanggapan ang mga Contingency Measures na ipapatupad sakaling malaking epekto sa mga nakakaraming OFWs ng SOCCSKSARGEN ang makakarandam ng matinding dagok sa employment sa mga bansang magbabawas ng manggagawa dahil sa epekto ng financial meltdown.
Bilang bahagi ng contingency measures ng DOLE 12 ang paghahanap din ng iba pang employment opportunities buhat sa iba pang foreign principals sa mga bansang Canada, Australia, Guam, New Zealand at European countries.
Ayon kay Tango, habang patuloy itong naghahanap ng mga foreign principals, palalakasin din ng labor department ang livelihood enhancement/business formation programs at pakikipag-ugnayan sa pribadong sector upang makatulong sa mga OFWs. (ac agad PIA 12) [top]