Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 13 November 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << November 2019 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/26

Tagalog News: Marikina-Infanta Road, malaking tulong sa kaunlaran ng Quezon

Calabarzon (26 February) -- Malaki ang maitutulong ng Marikina-Infanta Road sa kaunlaran ng mga bayan ng Real, Infanta, at Gen. Nakar (REINA) area at sa kabuuan ng Lalawigan ng Quezon, ayon kay district engineer Alfredo Penamante ng Department of Public Works & Highways (DEPWH) Quezon I.

Ang pagsesemento ng mahigit sa 102-kilometrong Marikina-Infanta Road ay isa sa mga priority programs ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at bahagi ng P96.688 bilyong "Roads and Bridges Project" ng pamahalaan.

Sinabi ni Engr. Pernamante na ang kanilang tanggapan ay naglaan ng P50 milyon bilang suporta sa konstruksiyon ng nasabing daan bukod sa P928 milyong pondo na inilaan ng DPWH.

Pinasimulan ang konstruksiyon ng Marikina-Infanta Road noong 2004 at inaasahang matatapos sa 2010. Noong 2006, ipinahayag ng Pangulo sa kanyang State of the Nation Address (SONA) na isa sa kanyang mga prayoridad ang proyektong ito na maisagawa kaagad.

Ninanais ng Pangulo na ang kaunlaran sa bahaging ito ng Quezon ay maging kasabay ng kaunlaran ng ibang lalawigan sa CALABARZON Region.

Ang Marikina-Infanta Road ay nagsisimula sa Sumulong Highway sa Marikina City at binabagtas ang bulubundukin ng Sierra Madre. (LMG PIA Calabarzon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Lalago ang kalakal sa magandang daan
»Tagalog News: Marikina-Infanta Road, malaking tulong sa kaunlaran ng Quezon
»Tagalog News: Malawak na daan, tungo sa kaunlaran
»Tagalog News: Tungkulin ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan
»PGMA visits hydropower plant in Davao del Sur
»Mindanao gets 30% of agri budget
»RP inches towards energy security
»Displaced OFWs from Mindanao to get P2.7 million for livelihood projects
»PGMA urges private sector to help protect RP from global recession
»Job hunts top 23rd EDSA I celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines