Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 24 June 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2019 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/26

Tagalog News: Malawak na daan, tungo sa kaunlaran

Calabarzon (26 February) -- Rehabilitasyon at pagpapapalawak sa mga daang sakop ng South Luzon Expressway na nag-uugnay sa Alabang at Calamba, hanggang Sto. Tomas, Batangas ang kasalukuyang isinasagawa ng South Luzon Tollway Corp. (SlTC).

Sa pondong P4.67 bilyon, gagawing 8-linya ang dating apat na linyang daan para sa mas maginhawa at mas mabilis na daloy ng trapiko partikular ang paghahatid ng kalakal sa Metro Manila at iba pang karatig-bayan.

May tatlong bahagi ang proyekto: ang rehabilitasyon at pagpapalawak sa 1.2-kilometrong Alabang viaduct; rehabilitasyon at pagpapalawak sa Alabang at Calamba road, at konstruksiyon ng 7.6-kilometrong extension mula Calamba hanggang Sto. Tomas, Batangas.

Ang pagpapagawa ay bahagi ng Luzon Urban Beltway (LUB), programa ni Pangulong Gloria M. Arroyo sa ilalim ng Super Regions na binuo upang ibigay sa mga rehiyon ang angkop na programa at proyekto upang maisulong ang kaunlaran para sa mamamayan at sa bayan,

Ayon sa ulat ng SLTC, nasa 72 porsyento na ang isinasagawang rehabilitasyon at pagpapalawak at inaasahang matatapos sa lalong madaling panahon kung saan lalong sisigla ang kalakalan at industriya sa rehiyon na siyang daan upang maabot ang minimithing kaunlaran.

Napag-alaman na kapag natapos ang proyekto, ang pagmamantini at pamamahala ay isasalin ng SLTC sa Manila Toll Expressway Systems, Inc. sa ilalim ng isang kasunduan. (NAC PIA Calabarzon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Lalago ang kalakal sa magandang daan
»Tagalog News: Marikina-Infanta Road, malaking tulong sa kaunlaran ng Quezon
»Tagalog News: Malawak na daan, tungo sa kaunlaran
»Tagalog News: Tungkulin ang seguridad at kaligtasan ng mamamayan
»PGMA visits hydropower plant in Davao del Sur
»Mindanao gets 30% of agri budget
»RP inches towards energy security
»Displaced OFWs from Mindanao to get P2.7 million for livelihood projects
»PGMA urges private sector to help protect RP from global recession
»Job hunts top 23rd EDSA I celebration
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines