Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 20 July 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << July 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/28

Tagalog News: Seminar on tourist reception and guiding techniques, ginanap sa Tayabas

by R. Orinday

Tayabas, Quezon (28 February) -- Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon noong Pebrero 18-20, 2009 sa pamamagitan ng Quezon Provincial Tourism Office ang isang seminar on tourist reception and guiding techniques sa Kamayan sa Palaisdaan Hotel and Resort, barangay Dapdap, Tayabas, Quezon.

Ang nasabing seminar ay dinaluhan ng mga municipal tourism officers, municipal tourism council members at provincial tourism employees kung saan umabot sa 31 dumalo dito ay nagtapos ng tourist guide. Sila ay mamamahala at aagapay sa mga local at foreign tourists at iba pang mga bisita na magtutungo sa mga tourist attraction o tourist destination sa lalawigan ng Quezon. Sila din ang mag-lalaaan ng mga kailangang impormasyon ng mga bisita ukol sa lugar na pinuntahan.

Kabilang sa mga dumalo dito sina Gladys Mayo ng Provincial Tourism Office, Provincial Board Member Alona Obispo, Chair, Committee on Tourism; Marites T. Castro, Head ng Accreditation, DOT-Region-4 at G. Medel Baytan, miyembro ng Association of Accredited Tour Guides and Lecturers of the Philippines na siyang naging resource person sa seminar.

Bilang final exam ng mga participants, nagkaroon sila ng tour guiding demonstration na ginanap sa St. Francis of Assissi Parish Church, Parochail Museum, Devotional Park at Marquez Ancestral House sa Sariaya, Quezon at Provincial Capitol Compound Lucena City. Ang mga dumalo ay tumanggap ng certificate of training samantalang binigyan din ng pagkilala ang napiling top ten tour guides sa huling araw ng seminar.

Isa sa layunin ng seminar na itaguyod ang turismo sa lalawigan ng Quezon upang makalikha ng maraming trabaho para sa mga mamamayang walang hanapbuhay na isa rin sa mga pangunahing programa ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo. (PIA-Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»San Jose mayor off to Thailand for int'l confab for PWDs
»Kamp Pag-Asa calls for volunteers, sponsors
»CSC XI conducts orientations on Anti-Red Tape Act
»Mambukal: A fusion of man and nature's creation
»Registration for SPES set next month; Sorsogon-LGU employment generation keeps on
»Tagalog News: Seminar on tourist reception and guiding techniques, ginanap sa Tayabas
»Tagalog News: DOST-MIRDC, naghanda ng schedule ng mga seminar para sa taong 2009
»Tagalog News: Star Tollway sagot sa problema ng trapiko
»Tagalog News: Luzon Urban Beltway, isang malaking proyektong pang-imprastraktura sa Batangas
»Grandolfo riles First International Kite Boarding competition
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines