Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 26 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/07/29

Tagalog News: Programang lakbay-turo, patuloy na isinasagawa ng DENR Quezon

by Ruel Orinday

Lucena City (29 July) -- Patuloy na isinasagawa ng DENR- Provincial Environment and Natural Resources Office ang programang lakbay turo sa bayan ng Mauban at iba pang bayan sa Quezon.

Ayon kay Janet Salazar ng nasabing tanggapan, layunin ng programang ito na maturuan ang mga mag-aaral sa elementarya at sekundarya ng mga tamang pamamaraan ng pangangalaga ng kapaligiran o mga likas yaman.

Kasama sa programang ito ang pagtatanim ng mga punongkahoy at mangrove sa iba't-ibang bayan ng Quezon gayundin ang pagtuturo ng paghihiwa-hiwalay ng mga basurang nabubulok at hindi nabubulok Katuwang ng DENR-PENRO sa programang ito ang Quezon Power Plant na nasa Mauban, Quezon.

Ayon kay Salazar, mahalaga ang pagtatanim ng mga punongkahoy o reforestation program lalong lalo na sa mga kabundukan sapagkat ito ang nagpipigil sa mga kalamidad kagaya ng pagbaha sa mga kabayanan na mabababa ang lugar.

Ipinapayo din ng DENR-PENRO sa mga mag-aaral sa kanilang ginagawang lakbay turo ang hindi pagsusunog ng basura sa isang lugar sa barangay lalo lalo na kapag ang basurang sinusunog ay may plastic sapagkat ito ay naglalabas ng carbon na magdudulot ng polusyon sa mga tao at magpapabago sa kondisyon ng kapaligiran.

Idinagdag pa niya dito na dapat ipatupad sa mga bayan sa Quezon ang paghihiwa-hiwalay ng mga nabubulok at hindi nabubulok na basura alinsunod sa R.A 9003. Aniya kung masusunod lamang ang ipina-uutos sa R.A 9003, maiiwasan ang pagsusunog ng basura, bukod dito, magkakaroon pa ng pera o karagdagang kita ang mga tao sa paghihiwa-hiwalay ng mga nabubulok at hindi nabubulok na basura sapagkat naipagbibili sa mga junkshop ang mga basurang hindi nabubulok kagaya ng plastic, bote, lata at mga lumang papel.

Ang programang ito ay kaugnay din sa programa o panawagan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa pangangalaga ng kapaligiran at likas yaman ng bansa. (PIA4a) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Silvosa urges Panaboans to regain credibility
»Waray-Waray News: PGMA: Edukasyon an tiket ngadto san maupay nga kinabuhi
»Waray-Waray News: Tulo ka yukot nga mga trabahador sa gobyerno magbebenepisyo san kanan gobyerno bag-o nga proyekto pagtaga balay
»Waray-Waray News: BIR, BOC naghihingita sin P30 bilyones nga makokolekta san buwis san katunga nga kabulanan san tuig
»Waray-Waray News: 19 nga mga senador presente san pag abri san ika tulo nga regular nga sisyon sa Senado
»Tagalog News: Quezon multi-coop benepisyaryo ng programang CLEEP ng DOLE
»Tagalog News: Programang lakbay-turo, patuloy na isinasagawa ng DENR Quezon
»Tagalog News: 5,589 kabataan ng Quezon nakikinabang sa PGMA scholarship program
»Tacloban conducts ASEAN Division Quiz Bee
»Cebuano News: PGMA misukol na sa mga tigpanaway sa iyang SONA sa 2009
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines