Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 20 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/07/29

Tagalog News: 5,589 kabataan ng Quezon nakikinabang sa PGMA scholarship program

by Lito M. Giron

Lucena City (29 July) -- Mahigit na 5,589 scholars ang kasalukuyang nakikinabang sa PGMA-Training for Work Scholarship Program na ipinagkaloob ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) dito sa Lalawigan ng Quezon.

Simula pa noong Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan, ang TESDA-Quezon ay patuloy na tumatanggap ng mga scholars na maaaring kumuha ng "by-application" courses.

Ayon nga kay TESDA provincial director Rhosalie Amazona, maganda ang naging resulta ng isinagawa nilang school tours at media mileage kung kaya't maraming mga kabataan ang nag-enrol sa programang ito.

Sa Ladderized Education Program ng TESDA, mayroong 87 estudyante ang kasalukuyang nakikinabang dito. Limangpu't-lima (55) dito ang naka-enrol sa Southern Luzon State University (SLSU) na nasa Lucban, Quezon sa kursong Horticulture. Samantala, 32 estudyante ang kumukuha ng kursong Front Office Service sa Enverga University na nasa bayan ng Candelaria.

Mayroon naming 3,895 na estudyante ang pumasa sa Free Assessment Service of TESDA (FAST). Sila ay libreng pumapasok sa mga kursong kanilang napili na angkop sa kanilang kakayahan at kagustuhan.

Sa Skills Voc-Tech Hanapbuhay program ay mayroong 250 estudyante ang naka-enrol sa Quezon National Agricultural School (QNAS) na nasa bayan ng Pagbilao.

Ang PGMA-Training for Work Scholarship Program ay isa programa ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa mahihirap na kabataan sa bansa.

Sa buong bansa ay may mahigit na 4.35 milyon kabataan at ordinaryong tao ang nakinabang sa iba't-ibang programa ng TESDA simula pa noong 2001 hanggang 2009. (PIA4a) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Silvosa urges Panaboans to regain credibility
»Waray-Waray News: PGMA: Edukasyon an tiket ngadto san maupay nga kinabuhi
»Waray-Waray News: Tulo ka yukot nga mga trabahador sa gobyerno magbebenepisyo san kanan gobyerno bag-o nga proyekto pagtaga balay
»Waray-Waray News: BIR, BOC naghihingita sin P30 bilyones nga makokolekta san buwis san katunga nga kabulanan san tuig
»Waray-Waray News: 19 nga mga senador presente san pag abri san ika tulo nga regular nga sisyon sa Senado
»Tagalog News: Quezon multi-coop benepisyaryo ng programang CLEEP ng DOLE
»Tagalog News: Programang lakbay-turo, patuloy na isinasagawa ng DENR Quezon
»Tagalog News: 5,589 kabataan ng Quezon nakikinabang sa PGMA scholarship program
»Tacloban conducts ASEAN Division Quiz Bee
»Cebuano News: PGMA misukol na sa mga tigpanaway sa iyang SONA sa 2009
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines