Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/04

Tagalog News: Preemptive evacuation ipinagutos ni PGMA sa NDCC

Cainta, Rizal (4 September) -- Mariing ipinagutos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Preemptive evacuation sa mga lugar na posibleng daanan ng bagyong Pepeng matapos mag-ulat hinggil sa lagay ng parating na bagyo ang kinatawan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa isinagawang pagpupulong ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) kahapon sa bayang ito.

Sinabi ng Pangulo na kailangang ilikas sa lalong madaling panahon sa evacuation centers ang mga taong maaring maapektuhan partikular sa mga lalawigan ng Camarines Norte, Quezon, Aurora, Isabela at Cagayan upang mapaghandaan at makaiwas sa pinsala na maaaring idulot ng bagyong si Pepeng.

Kaugnay nito inalerto ng Pangulo ang NDCC na gawin ang lahat para sa paghahanda at pagtugon sa mga pangangailan maging ang mga sangay ng nasyonal at lokal na pamahalaan na magtulong tulong upang maibsan kung hindi man maiwasan ang anumang pinsala sa buhay at ariarian ng mga tao sa mga lugar na maaapektuhan nitong parating na bagyo.

Tinalakay din sa nasabing pagpupulong ang mga kasalukuyang gawain ng ibat ibang sangay ng pamahalaang nasyonal, lokal at ilang institusyon na may kinalaman sa rescue, relief at rehabilitasyon sa mga pamilya at lugar sa buong lalawigan na matinding naapektuhan ng bagyong Ondoy.

Sinabi din ng Pangulo na bawat ahensiya ng pamahalaan ay may tutungkulin na dapat ibahagi "Specific agencies to deliver specific needs" upang matulungan ang mga biktima ng bagyong Ondoy na makabalik sa normal na pamumuhay sa lalong madaling panahon.

Pinagutos din ng Pangulo na bantayan ang presyo ng ibat-ibang bilihin para maprotektahan ang kapakanan ng mga mamamayan sa mga mangangalakal na maaaring mangabuso sa panahong ito.

Ilan sa mga nag-ulat ay sina Kalihim Gilbert Teodoro ng National Defense at Chairman ng NDCC; Pangalawang Pangulo at Housing chairman Noli De Castro; Kalihim Francisco Duque ng Kagawaran ng kalusugan; Kalihim Esperanza Cabral ng Department of Social Welfare and Development; Kalihim Hermogenes Ebdane ng Department of Public works and Highways: Kalihim Peter Favila ng Department of Trade and Industry at iba pa. (PIA4A) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DTI 7 regional and provincial offices adopt Knowledge Management
»Tagalog News: Mga kawani ng Laguna nagtulong-tulong para sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy
»Thousands still affected as Laguna braces for long road to recovery
»Tagalog News: Ilocos Norte handa sa supertyphoon Pepeng
»DTI releases list of basic necessities under automatic price control
»Tagalog News: Preemptive evacuation ipinagutos ni PGMA sa NDCC
»Unidentified assailants fatally shoot brother of North Samar governor
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines