Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 14 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/11

Tagalog News: Kalahi Caravan dumalaw sa San Francisco at San Andres, Quezon

by Ruel M. Orinday

Lucena City (11 October) -- Sa layuning mailapit ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan sa mga tao lalong lalo na yaong mga mahihirap na nasa liblib na bayan o barangay, isang medical/dental mission at iba pang mga serbisyo mula sa iba't-ibang tanggapan ng pamahalaan ang nakatakdang gawin sa bayan ng San Francisco at San Andres, Quezon sa Oktubre 20-21 sa ilalim ng programang Kalahi Caravan.

Sa ginanap na pulong ng Regional Kalahi Convergence Group (RKCG) at Provincial Poverty Reduction Action Team (PPRAT) na pinangunahan nina G. Tony Robles ng National Economic Development Authority (NEDA/Region IV-A) sa Audio Visual Room, Quezon Convention Center noong Oktubre 07, 2009 sa lungsod na ito, nagkaisa ang nasabing grupo na binubuo ng mga ahensiya ng pamahalaan na suportahan ang nasabing programa sa pamamagitan ng pagdadala o pagbibigay ng mga pangunahing serbisyo kagaya ng medical/dental mission at iba pang serbisyo.

Ang Kalahi Caravan ay isa sa mga programa ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ipinatutupad sa layuning malabanan o maibsan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga serbisyo at pagpapatupad ng iba pang mga programang pangkabuhayan sa mga bayan o barangay na may mga pinakamaraming mahihirap na pamilya.

Ang medical/ dental mission ay pamamahalaan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO-Quezon), Department of Health (DOH Region IV-A at PHO-Quezon at Department of Education Culture and Sports (DepEd IV-A/ DepEd-Quezon).

Ang National Food Authority (NFA-Quezon) ay maglalagay ng mga rolling stores sa nasabing dalawang bayan (San Andres at San Francisco) para makabili ang mga tao ng murang bigas samanatalang ang DENR- PENRO-Quezon ay magbibigay ng libreng seedlings na Mahogany at Calumpit bukod pa ang pagkakaloob ng mga titulo ng lupa (Handog Titulo) sa mga magsasakang benipisyaryo ng programa.

Ang iba pang ahensiya ng pamahalaan kagaya ng Department of Foreign Affairs (DFA) ay magsasagawa naman ng mobile passporting samantalang ang Department of Trade and Industry (DTI-Quezon) at Quendancor ay magsasagawa ng microfinance services at mga pangkabuhayang pagsasanay. Isasagawa naman ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Procees (OPAPP) ang Teacher's Forum at Kids for Peace Activity.

Sa nasabing pulong, nagpahayag din ng suporta ang iba pang mga ahensiya ng pamahalaan na magbibigay din ng kani-kanilang serbisyo kagaya ng mga sumusunod:

Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), National Nutrition Council (NNC), Public Attorney's Office (PAO), Department of Agrarian reform (DAR), PhilHealth IV-A, Local Water Utilities Administration (LWUA), National Electrification Administration (NEA), National Statistics Office (NSO-Quezon), DPWH-IV-A at PEO, Philippine Coconut Authority (PCA-IV-A/ PCA-Quezon), Department of Social Welfare and Development (DSWD-IV-A),National Economic Development Authority (NEDA-IV-A), Department of Agriculture (DA IV-A), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA-Region IV-A), Department of Labor and Employment (DOLE-IV-A), Department of Science and Technology (DOST IV-A), Department of the Interior and Local Government (DILG) at 201 Brigade, Philippine Army at Philippine Information Agency (PIA IV-A).

Nakatakdang dumating sa nasabing okasyon sina Gng. Mely Jabola at Quezon Gov. Rafael Nantes upang magpahayag ng kanilang mensahe tungkol sa programang Kalahi Caravan. (PIA4A) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Cebuano News: Gov. Ace Barbers padayong gipanghingusgan ang clean-up drive sa Surigao del Norte
»Typhoon victims, workers and families join TUCP relief and medical missions
»Feature: World Day for Decent Work 2009; preview in CALABARZON
»Northern Samar unveils budding eco-tourism destinations
»Tagalog News: Kalahi Caravan dumalaw sa San Francisco at San Andres, Quezon
»Feature: New house, new life for 400 displaced Marikina families
»Tagalog News: 400 pamilyang binaha sa Marikina inilikas sa Laguna
»Tagalog News: Unang Pilipino na Olympian nagmula sa Ilocos Norte
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines