Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 14 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/11

Tagalog News: 400 pamilyang binaha sa Marikina inilikas sa Laguna

Sta. Rosa, Laguna (11 October) -- Pinangunahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang pagsalubong sa 400 pamilyang galing sa Marikina, Rizal at inilikas sa Sta. Rosa, Laguna. Ang naturang okasyon ay ginanap sa Southville subdivision, Phase 3, Pooc, Sta. Rosa, Laguna. Ang mga pamilyang ito ay mga residente ng Barangay Tumana at Concepcion sa Marikina, Rizal na nasalanta ng bagyong Ondoy. Kasama ng Pangulo ang butihing Mayor ng Sta. Rosa, Laguna na si Mayor Arlene Arcillas, Gov. Lazaro at iba pang lokal na opisyal ng Sta. Rosa.

Sa tulong ni Pangulong Arroyo at Mayor Nazareno ay nabigyan sila ng tig-iisang unit sa Southville Subdibisyon na kanilang unti unting babayaran sa loob ng 30 taon sa halagang P200. Magsisimula ang kanilang paghulog pagkalipas ng isang taong paninirahan.

Binisita din ng Pangulo ang model unit ng subdibisyon upang Makita ang kalagayan ng bahay na paglalagakan ng mga biktima ng Ondoy.

Nagkaroon ng distribusyon ng mga pagkain, tubig, kaldero, kutson, gamot at iba pa na pinamigay ng Pangulo sa mga bagong residente ng Sta. Rosa Laguna. Ang mga relief goods na ito ay nanggaling sa Opisina ng Pangulo, sa Marikina Local Government, sa Opisina ng bise Presidente, PCSO, at UNICEF.

Sinabi ni Judith, isang shoemaker sa Marikina at nanggaling sa Sibol, Concepcion, na halos magdamag silang nakatayo sa bubong ng isang bahay dahil sa wala na silang mapuntahan at inanod ang kanilang bahay. Minabuti daw niyang sumama sa Laguna dahil na rin sa pag asa na magkaroon ng panibagong buhay. "Salamat at di kami pinabayaan ni Pangulong Gloria. Sana, tulungan pa din kami ni Mayor Nazareno na magkaroon ng pagkakitaan", ito ang kanyang nasabi pagkatapos na mabigyan siya ng isang unit na bahay at mga groceries at relief goods.

Ang "Southville ay isang subdibisyon sa Sta. Rosa na siyang paglilipatan ng mga taga Sta. Rosa nakatira sa may riles. Sa ngayon ito ay lalong pinalalakihan upang higit makatulong sa ating mga kababayan. (PIA4A) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Cebuano News: Gov. Ace Barbers padayong gipanghingusgan ang clean-up drive sa Surigao del Norte
»Typhoon victims, workers and families join TUCP relief and medical missions
»Feature: World Day for Decent Work 2009; preview in CALABARZON
»Northern Samar unveils budding eco-tourism destinations
»Tagalog News: Kalahi Caravan dumalaw sa San Francisco at San Andres, Quezon
»Feature: New house, new life for 400 displaced Marikina families
»Tagalog News: 400 pamilyang binaha sa Marikina inilikas sa Laguna
»Tagalog News: Unang Pilipino na Olympian nagmula sa Ilocos Norte
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines