Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 14 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/11

Tagalog News: Unang Pilipino na Olympian nagmula sa Ilocos Norte

Ni Carlo P. Canares

Laoag City, Ilocos Norte (11 October) -- Hindi marahil alam ng karamihan sa atin, maging ng mga Ilokano, na ang kauna-unahang Filipino Olympian at nag-iisang "back to back Olympic medalist" sa bansa ay isang Ilokano.

Itong kakulangan sa kaalaman ng mga tao ay mababago matapos ilantad kamakailan ng National Historical Insitute (NHI) ang isang historical market na estatwa ni Teofilo Yldefonso sa liwasan ng Piddig, isang bayan sa lalawigan ng Ilocos Norte kung saan siya nagmula.

Si Teofilo Yldefonso ay ipinanganak sa Sitio Bayog sa nasabing bayan noong Nobyember 4, 1903. Siya ay naging sundalo na may ranggo na Lieutenant at isang mahusay na manlalangoy na nagsimula ng modern breaststroke sa paglalangoy sa bansa.

Base sa tala, napag-alaman na nakakuha si Yldefonso ng hindi bababa sa 100 medalya noong kanyang kabataan. Siya ang natatanging Pilipino na nanalo ng "back-to-back bronze medals" sa 200-metro breast stroke sa ginanap na 1928 Amsterdam at 1932 Los Angeles Olympics. Nagsimula siyang matuto lumangoy sa murang edad at hinasa ang galing sa ilog ng Gisit sa Piddig.

Siya din ay nagsilbing sundalo na lumaban sa mga Hapon sa Bataan. Namatay si Yldefonso sa Capas Concentration Camp sa probinsiya ng Tarlac noong June 9, 1942 at hindi na nakita ang kanyang mga labi.

Si Gobernador Michael Marcos Keon ang nagpabatid sa NHI ng mahalagang kontribusyon ni Yldefonso sa larangan ng isports sa bansa, kung kaya't dali-dali din tumugon ang nasabing ahensiya sa pagbibigay pugay sa bayani.

Si Ginoong Ambeth Ocampo, pinuno ng NHI, mismo ang dumalo upang buksan ang nasabing estatwa sa Piddig. Sinabi ni Ocampo na sa pamamagitan nito "nais ipakita ng NHI na ang pagiging bayani ay hindi lamang naipapakita sa pagpapakamatay sa mga giyera kundi maaari din ipamalas sa galing sa iba't-ibang larangan kagaya ng isports." Umaasa din si Ocampo na bibigyan halaga ng mga kapwa Ilokano ang mga naiambag ni Yldefonso sa bansa.

Ipinagmamalaki naman ni Keon ang kapwa Ilokano na si Yldefonso, at umaasa siya na mas kikilalanin na si Yldefonso ng mga taga-probinsiya.

Ayon naman kay Ilocos Norte schools division superintendent Gng Cecilia Aribuabo na inumpisahan na ituro sa mga mag-aaral ang talambuhay ni Yldefonso. Nais din nila na bumili ng mga aklat ukol sa talambuhay ni Yldefonso na maaaring ipakalat sa iba't-ibang paaralan sa probinsiya upang mabasa ito ng mga kabataan at publiko. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Cebuano News: Gov. Ace Barbers padayong gipanghingusgan ang clean-up drive sa Surigao del Norte
»Typhoon victims, workers and families join TUCP relief and medical missions
»Feature: World Day for Decent Work 2009; preview in CALABARZON
»Northern Samar unveils budding eco-tourism destinations
»Tagalog News: Kalahi Caravan dumalaw sa San Francisco at San Andres, Quezon
»Feature: New house, new life for 400 displaced Marikina families
»Tagalog News: 400 pamilyang binaha sa Marikina inilikas sa Laguna
»Tagalog News: Unang Pilipino na Olympian nagmula sa Ilocos Norte
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines