Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 14 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/10/14

Tagalog News: "Oplan Kandado" ipinatupad ng BIR sa Ilocos Norte

Ni Carlo P. Canares

Laoag City, Ilocos Norte (14 October) -- Ipinatupad na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kamakailan ang "Oplan Kandado" sa probinsiya ng Ilocos Norte sa pamamagitan ng pansamantalang pagkakandado ang ilang establisyemento sa lungsod ng Laoag at bayan ng San Nicolas.

Tatlong establisyemento ang naipasara matapos hindi sumunod sa ipinaguutos ng BIR tungkol sa pagbabayad ng buwis at pagbibigay ng resibo sa ilalim ng seksyon 115 ng Tax Code of 1997. Ayon kay BIR district officer Melani Soriano, ang mga establisyemento ay binigyan nila ng abiso o palugit upang ayusin ang kanilang problema subalit hindi pa din sila tumugon sa ipinaguutos ng batas.

Sinabi ni Soriano na mahirap magpasara ng mga establisyemento sa kadahilanan na magdudulot ito ng pagtigil ng negosyo at kawalan ng trabaho subalit kailangan ipatupad ang batas. Dagdag pa niya na ang ginawang pansamantalang pagpapasara ng mga establisyemento ay maging isang babala sa lahat ng mga negosyonte sa probinsiya na dapat sila sumunod sa alintuntunin ng batas tungkol sa pagbabayad ng buwis kung ayaw nila sapitin ang parehas na kaparusahan.

Ang 'Oplan Kandado' ay isang programa ng pamahalaan na humahabol at nagpaparusa sa mga negosyante na hindi nagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng pagsasara ng kanilang mga negosyo. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»LTO warns fog lighting motorists
»Soldiers pledge to fight graft and corruption
»NPA leader yields in Davao Oriental
»PPA integrates Dapitan Baseport to Southern Mindanao
»Tagum sends personnel for supervisory training
»7th Kaimonan Festival '09 held in Tagum
»Tagum City bags 2009 National Best PESO Award
»Tagalog News: "Oplan Kandado" ipinatupad ng BIR sa Ilocos Norte
»Antiqueños commemorate 30th death anniversary of Justice Calixto Zaldivar
»PGMA announces creation of special national public-private Reconstruction Commission
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines