Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 19 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/11/17

Tagalog News: Mungkahi para sa pagpapatatag ng presyo ng petrolyo iniharap sa Pangulo

Manila (17 November) -- Iniharap ng National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Justice (DOJ) at Department of Energy (DOE) kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang mga mungkahi upang mapanatiling matatag ang presyo ng produktong petrolyo kahit mapawalang-bisa ang Executive Order 839.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Gary Olivar, ang kahandaan ng mga kompanya ng langis na magbigay ng diskuwento ay mahalaga upang matulungan ang mga mahihirap at mga biktima ng mga bagyo at kalamidad.

Nagharap ang NEDA ng mga mungkahing titiyak na hindi lubos na magtataas ng presyo sa mga produktong petrolyo sakaling alisin na ang EO.

Isa na umano dito ay ang pagtutulungan ng oil industry at ng gobyerno tungkol sa oil inventory at paglalagay ng mga tauhan ng DOE na magmomonitor sa presyo ng produktong petrolyo.

Binigyang diin ni Olivar na ang EO 839 ay nagpapaalaala lamang sa lahat na sa panahon ng krisis ay nakahanda ang gobyerno na gawin ang lahat upang tulungan ang mga mamamayan lalo na ang mga mahihirap. (Lgtomas/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»ComVal gov strengthens music and arts program
»ComVal receives assorted medicine from PCSO
»Peace adviser to involve more women, IPs in talks
»Don't enter politics yet, Piñol advises Pacman
»Tagalog News: Porsyento ng exports ng bansa tumaas sa Setyembre
»Tagalog News: Mungkahi para sa pagpapatatag ng presyo ng petrolyo iniharap sa Pangulo
»Tagalog News: Malakanyang binati si Pacquiao matapos manalo laban kay Cotto
»Tagalog News: Implementasyon ng batas para sa climate change isinusulong
»Tagalog News: Walang ligtas na firecrackers o fireworks - DOH
»Tagalog News: Tungkulin ng NPO sa 2010 election pagbutihin – Remonde
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines