Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 26 April 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << April 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/11/17

Tagalog News: Walang ligtas na firecrackers o fireworks - DOH

Manila (17 November) -- Pinapayuhan ng Kagawaran ng Kalusugan ang mga magulang na huwag pahihintulutan ang mga kabataan na gumamit ng firecrackers o fireworks ito man ay legal o illegal dahil ito umano ayon kay Health Secretary Francisco Duque III ay hindi laruan at mapanganib lalo na sa mga inosenteng kabataan.

Dahil dito ani Duque inirekomenda nito ang pagbabawal sa paggamit ng nasabing mga bagay sa mga residential areas at hinikayat ang mga local authorities na humanap ng mas ligtas na lugar para isagawa ang fireworks display at dapat na mga propesyonal lamang ang humawak o yaong mga sinanay sa paggamit ng mga explosive devices.

Ayon kay Duque kabilang sa top 5 firecrackers na pangunahing naging sanhi ng injuries noong 2008 ang piccolo, kwitis, 5-star, luces at home-made o altered firecrackers.

Ang piccolo ay isang illegal firecracker na karaniwang nagiging sanhi ng pagkasugat sa panahon ng kapaskuhan at hindi lamang basta minor injuries ang naidudulot nito dahil ito ay nagiging sanhi ng pagkakaroon ng malubhang sugat halimbawa dito ang pagkasugat sa mata ng isang batang lalaki sa Bicol. (Abbenal/PIA 12) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»ComVal gov strengthens music and arts program
»ComVal receives assorted medicine from PCSO
»Peace adviser to involve more women, IPs in talks
»Don't enter politics yet, Piñol advises Pacman
»Tagalog News: Porsyento ng exports ng bansa tumaas sa Setyembre
»Tagalog News: Mungkahi para sa pagpapatatag ng presyo ng petrolyo iniharap sa Pangulo
»Tagalog News: Malakanyang binati si Pacquiao matapos manalo laban kay Cotto
»Tagalog News: Implementasyon ng batas para sa climate change isinusulong
»Tagalog News: Walang ligtas na firecrackers o fireworks - DOH
»Tagalog News: Tungkulin ng NPO sa 2010 election pagbutihin – Remonde
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines