Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 9 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/06/21

Tagalog News: Advocacy on child labor at wage consultation, isasagawa ng DOLE

by R. Orinday

Infanta, Quezon (21 June) -- Ang Department of Labor and Employment (DOLE-Quezon Provincial Office) ay magsasagawa sa bayang ito ng "Advocacy on Child Labor" sa Hunyo 22, 2010.

Ayon kay G. Virgilio Magsino, hepe ng DOLE-Quezon, layunin ng nasabing programa na matulungan ang mga bata o pamilyang mahihirap na may mga batang nagtatrabaho sa murang edad pa lamang kung saan ang trabaho ay delikado sa katawan o kalusugan.

Ayon pa kay G. Magsino, may naitalang 19 na kaso ng child labor sa bayan ng Infanta sa kasalukuyan na kanilang tutulungan depende sa pangangailangan o problema. ng pamilya. Idinagdag pa niya dito na karamihan sa mga bata sa Infanta ay nangingisda para lamang kumita ng pera at ito aniya ay delikado sa mga bata na sa halip na pumapasok sa mga paaralan ay nagtatrabaho bilang mga mangingisda.

Samantala, handa ring tumulong ang DOLE- Quezon sa mga bata o out of school youth sa pamamagitan ng pag-e-enroll sa Advanced Learning System" upang makapagtapos ng pag-aaral sa elementary o high school. Handa rin silang tumulong sa mga batang out of school youth na pawang mga mahihirap sa pamamagitan ng pagbibigay ng school uniform at school supplies.

Dadalo rin sa gaganaping advocacy on child labor ang mga taga karatig bayan ng Infanta kagaya ng Real, General Nakar at Jomalig, Quezon. Sa mga susunod na buwan, magsasagawa rin ng katulad na gawain ang DOLE sa lungsod ng Lucena at Unisan, Quezon.

Samantala, isasagawa rin ng DOLE-Quezon Provincial Office ang isang wage consultation sa Hunyo 30, 2010 sa lungsod na ito. Ito ay dadaluhan ng mga employer at mga manggagawa sa lalawigan ng Quezon. (PIA Quezon) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Cebuano News: Ang Palasyo mihatag kaseguruhan sa padayong serbisyo sa AFP
»Cebuano News: Rieth nakig-uban sa mga higala sa usa ka thanksgiving party
»Palace assures continuous service in AFP
»Tagalog News: Advocacy on child labor at wage consultation, isasagawa ng DOLE
»PGMA gives farewell message to the nation
»Another investor may be needed to develop Leyte hotel, guv says
»Training for newly-elected mayors of Region 8 starts
»Cebuano News: Mga Koreano interesadong mamuhunan sa Pangasinan
»Cebuano News: RP mag-host sa international maritime diplomatic meeting
»Cebuano News: Mga negosyanteng Amerikano miimbitar ni Noynoy sa Washington
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines