Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 26 February 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << February 2020 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/01

Tagalog News: 16th National Crime Prevention Week ipagdiriwang simula ngayong araw

Ipagdiriwang ng buong bansa mula September 1 hanggang 7 ang 16th National Crime Prevention Week o NCPW.

"Komunidad at Pulisya, Magkasama Tungo sa Pag-unlad ng Bayan!" ang magiging tema ng selebrasyon habang "Ako, Ikaw, Tayong Lahat Laban sa Krimen!" naman ang magsisilbing slogan nito.

Sesentro ang lahat ng aktibidad sa paghihikayat sa publiko na maki-isa at makibahagi sa kampanya ng pamahalaan laban sa kriminalidad tungo sa hangaring kapayapaan sa bansa.

Sa Pampanga, sisimulan ang selebrasyon ngayong araw sa pamamagitan ng parada na lalahukan ng mga kawani ng pamahalaan at mga estudyante.

Magsisimula ang parada sa Camp Olivas at magtatapos sa provincial capitol.

Ito ay susundan ng isang programa sa kapitolyo kung saan sasambitin at lalagdaan ng mga kinatawan ng iba't ibang sektor ng lipunan kabilang na ang mga lokal na opisyal ng lalawigan sa pangunguna ni Governor Lilia Pineda ang panata na gawin ang Pampanga na isang probinsya kung saan ang mga mamamayan ay maaaring mamuhay nang tahimik, ligtas at matiwasay.

Ang NCPW ay nalikha sa bisa ng Proclamation No.461 ni dating Pangulong Fidel Ramos noong August 31, 1994. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Mga kongresista na magiging bahagi ng HRET inanunsyo na
»Tagalog News: 16th National Crime Prevention Week ipagdiriwang simula ngayong araw
»Budget tracking project launched in Davao
»POEA conducts Korean Language Testing anew
»DSWD pilots risk, vulnerability assessment training
»Next MTPDP to guide UN priorities
»Del Rosario enjoins broader sectoral participation in barangay dev't
»Davao Norte in control over terror mosquitoes
»25-IB troopers recover firearms in encounter with NPAs
»Region XI entries vie for literacy awards
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines