Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 16 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/08

Tagalog News: PNoy gagawaran ng parangal ng kolehiyo sa Amerika ng dating Pangulong Cory

Manila (8 September) -- Tatanggap ng parangal si Pangulong Benigno Aquino III mula sa isang kolehiyo sa Amerika kung saan nag-aral ang kanyang inang si dating Pangulong Cory.

Igagawad ng College of Mount Saint Vincent sa New York kay PNOY ang kanilang pinakamataas na karangalan- ang Saint Elizabeth Ann Seton Medal bilang pagkilala sa kanyang "extraordinary service as a public official".

Nagtapos ng major in French at minor in Mathematics si Ginang Aquino sa nasabing kolehiyo noong 1953.

At bilang pag-alala sa tinaguriang ina ng demokrasya, ipinangalan ng institusyon ang isa sa mga scholarship na kanilang inaalok sa yumaong dating Pangulo at magkakaroon na rin ng Filipino Studies program ang Department of Modern Languages nito.

Ang pagpunta sa College of Mount Saint Vincent ay isa sa mga aktibidad ng September 20-26 state visit ng Pangulo sa Amerika- ang kanyang kauna-unahang foreign trip mula ng maupo sa pwesto noong ika-30 ng Hunyo.

Siya ay nakatakdang magbigay ng talumpati sa 65th session ng United Nations General Assembly kung saan kanyang i-u-ulat ang mga nagawa na ng Pilipinas upang maabot ang walong Millennium Development Goals pagsapit ng taong 2015.

Dadalo rin ang Chief Executive sa 2nd US-ASEAN summit at makikipagpulong siya sa mga negosyante at maging sa mga kinatawan ng Filipino community sa New York at San Francisco. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»DTI to present Philippine Business Registry program in CAR
»Utility providers clarify 5% power, water bills discount for senior citizens
»Tagalog News: PNoy gagawaran ng parangal ng kolehiyo sa Amerika ng dating Pangulong Cory
»Tagalog News: 5 barangay sa Bulacan na may pinakamahuhusay na programa, pararangalan ng pamahalaang panlalawigan ngayong Sabado
»Davao drainage team to run after "sako gang"
»Civil servants urged to RACE for change
»Farflung entrepreneurs to benefit from paperless business registry
»Impact of aid effectiveness initiatives on health, rural sectors to be assessed
»Davao Oriental out-of-school youth complete Masonry NC2 training
»ComVal joins celebration of 110th Philippine Civil Service anniversary
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines