Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 19 August 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << August 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/13

Tagalog News: Mga tanggapan ng Communications Group magkakaroon ng hiwalay na pondo sa susunod na taon

Malolos City (13 September) -- Magkakaroon ng hiwalay na pondo ang dalawang tanggapan ng Communications Group sa susunod na taon.

Sa isinumiteng proposed 2011 budget ng Palasyo sa Kongreso, 976.2 milyong piso ang makukuha ng Presidential Communications Operations Office o PCOO na pinamumunuan ni Secretary Herminio Coloma samantalang 200 milyong piso naman ang inilaan sa Presidential Communications Development and Strategic Planning Office o PCDSPO na pinangangasiwaan ni Secretary Ricky Carandang.

Sinabi ng Malakanyang na ang dahilan kung bakit mas malaki ang inilaan sa PCOO kaysa sa PCDSPO ay dahil sa mas maraming ahensya ang nasa ilalim nito.

Kabilang sa mga ahensyang bahagi ng PCOO ang Philippine Information Agency, Philippine News Agency, National Printing Office, National Broadcasting Network 4 at ang mga sequestered television stations na RPN 9 at IBC 13.

Samantala, parte naman ng PCDSPO ang Presidential Message Staff, OP Correspondence Office, Media Research and Development Staff, Presidential Museum and Library, Official Gazette at Speech Writers Group.

Naunang nang humarap sa budget hearing sa Kamara si Secretary Coloma noong nakaraang linggo kung saan inilahad niya sa mga mambababatas na isa sa kanyang mga magiging prioridad ang agarang privatization ng RPN at IBC.

Ang PCOO at PCDSPO ay nabuo sa bisa ng Executive Order 4 ni Pangulong Benigno Aquino III.

Ito ang pumalit sa Office of the Press Secretary. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Comelec, inilipat ang petsa ng special elections sa unang distrito ng Bulacan
»Tagalog News: Mga tanggapan ng Communications Group magkakaroon ng hiwalay na pondo sa susunod na taon
»Cebuano News: Kagamhanan andam na sa contingency plans aron pagsulbad sa posible nga strike sa PAL
»Cebuano News: Capability building sa pwersa sa seguridad nagapadayon, matud pa ni PNoy
»Bago HS students act to protect environment
»Cebuano News: Labing una nga PROMEEC seminar gipahigayon sa Sugbo
»Cebuano News: Family bonding makatabang sa pagdaginot sa atong paggamit sa enerhiya
»Feature: 12 LGUs, BNS in Central Visayas win nutrition awards
»BIR RDO-3 generates P781-M tax collection against P1-B goal
»Illegal fishing decimates Cebu's marine resources
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines