Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 27 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/15

Tagalog News: World Rabies Day gugunitain sa September 28

Manila (15 September) -- Gugunitain sa may 74 na bansa kabilang ang Pilipinas ang World Rabies Day sa darating na September 28.

Layunin ng taunang paggunita na itaas ang kamalayan tungkol sa nasabing sakit at hikayatin ang mga amo na pabakunahan ang kanilang mga alaga kontra dito.

Ang rabies ay isang sakit na tumatama sa mga hayop partikular sa mga aso kung saan na-a-apektuhan ang kanilang utak.

Maliban sa aso, maari ding magkaroon ng nasabing virus ang mga pusa, baboy, kambing, tupa, kalabaw, baka at unggoy.

Nalilipat ito sa tao sa pamamagitan ng kagat ng hayop o paghalo ng laway nito sa bukas na sugat.

Tinatayang 55 libong tao ang namamatay sa sakit taon-taon o katumbas ng isang kamatayan kada sampung minuto.

Base sa datos ng Regional FMD-Rabies-Bird Flu Multi-Agency Task Force, naitala ng probinsya ng Nueva Ecija ang may pinakamaraming human rabies case sa Gitnang Luzon sa unang anim na buwan ng taon na umabot sa anim.

Ang lalawigan ay sinundan ng Bulacan na may apat na kaso at Pampanga, Tarlac Province at Tarlac City na may tig-i-isang kaso.

Samantala, lampas 135 libong aso ang nabakunahan kontra rabies sa buong rehiyon mula Enero hanggang Hunyo. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: World Rabies Day gugunitain sa September 28
»Tagalog News: DOST 3, inaanyayahan ang mga kumpanya sa Gitnang Luzon na subukang magpasuri sa kanilang RSTL
»Aquino vows to advance welfare of Muslim Filipinos
»NOLCOM readies troops for Balikatan 2011
»Bangko Sentral holds economic learning drive
»DILG-XI links up with MINCODE, academe to promote transparent and accountable local governance
»RDC XI confirms new set of sectoral committee officers
»LandBank pays tribute to top partner countryside financial institutions
»USAID chief operating officer visits Mindanao
»Turnover of MinDA Chairmanship set today
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines