Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 27 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/15

Tagalog News: DOST 3, inaanyayahan ang mga kumpanya sa Gitnang Luzon na subukang magpasuri sa kanilang RSTL

San Fernando City, Pampanga (15 September) -- Inaanyayahan ng Department of Science and Technology 3 ang mga kumpanya sa Gitnang Luzon na nasa food manufacturing, trading at production sectors na subukang magpasuri sa kanilang Regional Standards and Testing Laboratory o RSTL.

Matatagpuan sa Diosdado Macapagal Government Center sa lungsod ng San Fernando sa Pampanga, ito ay nagsasagawa ng mga physio-chemical, calibration at microbiological tests.

Kabilang sa mga microbiological tests na isinasagawa nito ay ang pagsuri kung potable o ligtas inumin ang tubig na ibinebenta ng isang water refilling station.

Maliban sa mga kumpanya, maari ding ipasuri ng mga estudyante dito ang kanilang mga scientific experiments.

Sinabi ni Regional Director Conrado Oliveros na ang kanilang laboratoryo ang may pinakamababang singgil sa buong rehiyon.

Bukod pa dito ay garantisado rin na dekalidad ang ibibigay nitong serbisyo pagkat ito ay sertipikado ng International Organization for Standardization o ISO.

Para sa proseso ng pagpapasuri at iba pang katanungan, maaring tawagan ang RSTL sa mga numerong (045) 455-0594, 455-0800 at 09217263084. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: World Rabies Day gugunitain sa September 28
»Tagalog News: DOST 3, inaanyayahan ang mga kumpanya sa Gitnang Luzon na subukang magpasuri sa kanilang RSTL
»Aquino vows to advance welfare of Muslim Filipinos
»NOLCOM readies troops for Balikatan 2011
»Bangko Sentral holds economic learning drive
»DILG-XI links up with MINCODE, academe to promote transparent and accountable local governance
»RDC XI confirms new set of sectoral committee officers
»LandBank pays tribute to top partner countryside financial institutions
»USAID chief operating officer visits Mindanao
»Turnover of MinDA Chairmanship set today
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines