Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 25 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/16

Tagalog News: DOH 3 iniimbitahan ang non-PhilHealth members na magparehistro sa October 2

San Fernando City, Pampanga (16 September) -- Iniimbitahan ni Department of Health Regional Director Rio Magpantay ang mga mamamayan ng Gitnang Luzon na hindi pa miyembro ng PhilHealth na magparehistro sa gaganaping National Registration Day sa October 2.

Ito ay sabay-sabay na isasagawa sa Aurora provincial gym sa Baler, Bataan People's gym sa Balanga city, Bulacan provincial gym sa Malolos, Nueva Ecija State College sa Cabanatuan city, Heroes hall ng City of San Fernando sa Pampanga, SM City Tarlac at Rizal covered court ng Olongapo city sa Zambales.

Inaabisuhan ni Magpantay ang mga magpaparehistro sa individually paying program ng PhilHealth na magdala ng valid ID gaya ng driver's license at voter's ID at 300 pisong paunang hulog para sa isang quarter o tatlong buwan.

Kwalipikado sa nasabing programa ung mga may pinagkakakitaan gaya ng mga nagtitinda, labandera, driver at construction worker.

Para sa may idedeklarang legal depedent, magdala ng photocopy na nagpapatunay ng relasyon ng nagpaparehistro sa dependent gaya ng birth certificate, marriage contract at senior citizen's ID.

Samantala, bibigyan din ng PhilHealth number cards sa araw na iyon ang mga mahihirap na pamilya na nakalista sa National Household Targeting System ng Department of Social Welfare and Development.

Ayon kay Magpantay, layunin ng national registration day na tiyakin na lahat ng Pilipino ay magkakaroon ng access to financial protection para sa kanilang hospitalization needs.

Ito ay sumasanguni sa target ni Pangulong Benigno Aquino III na serbisyong pangkalusugan para sa lahat sa loob ng tatlong taon. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DOH 3 iniimbitahan ang non-PhilHealth members na magparehistro sa October 2
»Private sector, NGOs join Davao DILG multi-stakeholders advisory committee
»55 persons sued for violation of dangerous drugs law
»PNoy to visit Davao
»President Noy meets Davao biz leaders today
»PNoy inaugurates Davao hydro plant today
»Sto. Tomas gets string of waste management awards
»Feature: Sitio Talos, battlefield no more
»ICOT-P expands to cover other skills that meet demands of current job market
»Cebuano News: Pagkunhod sa kapobrehon, edukasyon og panglawas, nangunang prayoridad sa House
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines