Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 25 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/23

Tagalog News: POEA gagamitin mga LGU vs illegal recruitment

Manila (23 September) -- Upang higit na maprotektahan ang mga mamamayan laban sa mga mapagsamantalang illegal recruiter, iniutos ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang higit na pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay Baldoz, mas malawak na proteksyon ang kanilang maibibigay sa mga overseas Filipino workers (OFWs) kapag may mabisang networking sa pagitan ng ahensya at mga local government units (LGUs).

"There is a need for the POEA to cover more ground and expand its reach in the fight against illegal recruitment to heighten the protection and welfare of the overseas Filipino workers (OFWs). This is a very specific agenda of the DOLE as enunciated by the President," ani Baldoz.

Ang POEA ay isa lamang sa mga ahensyang nasa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) na pinamumunuan ng kalihim.

Kaugnay nito, una nang nakipagkasunduan sa pamamagitan ng kani-kanilang Memorandum of Agreement (MOU) ang 17 lokal na pamahalaan na bumubuo sa National Capital Region.

Anila, mas makabubuting magsanib-pwersa ang mga awtoridad kontra illegal recruitment upang mapalaganap ang anumang impormasyon at magamit nang mahusay ang kani-kanilang limitadong badyet.

Dahil naman sa pinaigting na anti-illegal recruitment (AIR)campaign ng POEA, umakyat ang mga naisampang kaso mula 573 noong taong 2000 hanggang 1,600 nitong nakaraang taon.

Lumitaw din na umabot na sa 300 MOUs ang napagtibay ng ahensiya at iba?t ibang LGUs kung saan 60 porsyento rito ay nabuo sa pamamahala ni Baldoz noong POEA administrator ito.

Samantala, maaari namang tawagan ang POEA sa telepono bilang 721-0619, 722-1192 at 722-1189 hinggil sa anumang may kinalaman sa paghahanapbuhay sa ibang bansa. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: PNoy nakipagpulong sa Pangulo ng Vietnam
»Tagalog News: UST patuloy na iniimbitahan ang publiko sa kanilang Lumina Pandit exhibit
»4Ps: An answered prayer
»Davao Norte guv ready for PNoy's marching orders
»Aquino's visit reunites Davao Norte leaders
»Mati domestic airport to re-operate soon
»Davao Oriental farmers receive production enhancement assistance in organic farming
»Davao to establish food exchange complex in 3 years
»Davao military official suggests livelihood, education for IPs
»Tagalog News: POEA gagamitin mga LGU vs illegal recruitment
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines