Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 27 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/10/01

Tagalog News: Mga tatakbo sa Barangay at SK elections maari nang magfile ng COC simula ngayong araw

San Fernando City, Pampanga (1 October) -- Maari nang magsumite ng Certificate of Candidacy simula ngayong araw ang mga tatakbo sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Nakasaad sa Resolution No.9029 ng Commission on Elections na maaring magfile ng COC sa kanilang mga tanggapan sa buong kapuluan mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Kwalipikadong tumakbo bilang punong barangay at sangguniang barangay kagawad ang mga Pilipinong edad 18 pataas na rehistradong botante at marunong bumasat'sumulat sa wikang Filipino o sa lokal na dayalekto ng lugar.

Siya din dapat ay residente ng barangay kung saan siya tatakbo nang hindi bababa sa isang taon.

Sa kabilang banda, kwalipikadong tumakbo bilang SK Chairman at SK Kagawad ang mga kabataan edad 15 hanggang 17 taong gulang na rehistradong miyembro ng Katipunan ng Kabataan ng kanyang barangay at marunong bumasat'sumulat sa wikang Filipino o sa lokal na dayalekto ng lugar.

Ang mga certificate of candidacy ay makukuha sa lahat ng tanggapan ng COMELEC at maari din itong madownload sa official website ng komisyon na www.comelec.gov.ph.

Sa October 13 ang huling araw ng pagfile ng COC.

Magkasabay na isasagawa sa buong bansa ang barangay at SK elections sa October 25.

Kada barangay ay maghahalal ng isang punong barangay, pitong sangguniang barangay kagawad, isang SK chairman at pitong SK kagawad. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Mga tatakbo sa Barangay at SK elections maari nang magfile ng COC simula ngayong araw
»Tagalog News: National PhilHealth registration day bukas na
»Davao City eyes rapid bus transit system
»October 1-7 declared Older Persons' Week
»PNoy directs all provinces to mainstream disaster risk reduction in all planning activities
»Barangay, SK candidates start filing COCs
»Cebuano News: Kasakit sa bishop dili ikakumpara sa pag-antos sa mga kababayen-an, matud sa grupo sa kababayen-an
»Leyte stages 4th Business Month celebration in October
»Cebuano News: Pilipinas magsiguro sa pagtumong sa PPP alang sa imprastruktura nga prayoridad
»Cebuano News: 1,500 pamilya namakwet gikan sa baha sa Sultan Kudarat
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines