Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 11 August 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << August 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6
7 8 9 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/10/01

Tagalog News: National PhilHealth registration day bukas na

San Fernando City, Pampanga (1 October) -- Iniimbitahan ni Department of Health Regional Director Rio Magpantay ang mga mamamayan ng Gitnang Luzon na hindi pa miyembro ng PhilHealth na magparehistro sa gaganaping National Registration Day bukas, October 2.

Ito ay sabay-sabay na isasagawa sa Aurora provincial gym sa Baler, Bataan People's gym sa Balanga city, Bulacan provincial gym sa Malolos, Nueva Ecija State College sa Cabanatuan city, Heroes hall ng City of San Fernando sa Pampanga, SM City Tarlac at Rizal covered court ng Olongapo city sa Zambales.

Inaabisuhan ni Magpantay ang mga non-professionals na magpaparehistro sa individually paying program ng PhilHealth na magdala ng valid ID gaya ng driver's license at voter's ID at 300 pisong paunang hulog para sa isang quarter o tatlong buwan.

Kabilang sa mga kwalipikadong non-professional sa nasabing programa ang mga labandera, kasambahay, driver at construction worker.

Para sa may idedeklarang legal dependent, magdala ng photocopy na nagpapatunay ng relasyon ng nagpaparehistro sa dependent gaya ng birth certificate, marriage contract at senior citizen's ID.

Samantala, bibigyan din ng PhilHealth number cards bukas ang mga mahihirap na pamilya na nakalista sa National Household Targeting System ng Department of Social Welfare and Development.

Ayon kay Magpantay, layunin ng national registration day na tiyakin na lahat ng Pilipino ay magkakaroon ng access to financial protection para sa kanilang hospitalization needs.

Ito ay sumasangguni sa target ni Pangulong Benigno Aquino III na serbisyong pangkalusugan para sa lahat sa loob ng tatlong taon. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Mga tatakbo sa Barangay at SK elections maari nang magfile ng COC simula ngayong araw
»Tagalog News: National PhilHealth registration day bukas na
»Davao City eyes rapid bus transit system
»October 1-7 declared Older Persons' Week
»PNoy directs all provinces to mainstream disaster risk reduction in all planning activities
»Barangay, SK candidates start filing COCs
»Cebuano News: Kasakit sa bishop dili ikakumpara sa pag-antos sa mga kababayen-an, matud sa grupo sa kababayen-an
»Leyte stages 4th Business Month celebration in October
»Cebuano News: Pilipinas magsiguro sa pagtumong sa PPP alang sa imprastruktura nga prayoridad
»Cebuano News: 1,500 pamilya namakwet gikan sa baha sa Sultan Kudarat
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines