Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 30 June 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/10/07

Tagalog News: Panukalang batas na paparusa sa maling pag-awit ng Lupang Hinirang lusot na sa Kamara

Manila (7 October) -- Lusot na sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong sampahan ng kasong kriminal ang mga maling a-awit ng Lupang Hinirang.

Nakasaad sa House Bill No.465 o An Act Prescribing the Code of the National Flag, Anthem, Motto, Coat-of-Arms and other Heraldic Items and Devices of the Philippines na 100 libong pisong multa at dalawang taong pagkakakulong ang naghihintay sa mang-a-awit na sasaway sa orihinal na musical arrangement ng ating pambansang awit na ginawa ni Julian Felipe.

Parurusahan din ang mga mamamayan na hindi tumatayo o humihinto kapag ipinapatugtog ang Lupang Hinirang partikular yung mga nasa sinehan.

Target din ng panukala na obligahin lahat ng mga tanggapan mapa gobyerno man o pribado at maging ang lahat ng tahanan ng mga Pilipino na mag-display ng bandila ng Pilipinas mula May 28, National Flag day hanggang June 12, Independence day.

Ayon kay Sorsogon Representative at House Committee on Basic Education and Culture chairman Salvador Escudero, layunin ng panukala na bigyan ng talim ang kapangyarihan ng pamahalaan na parusahan ang mga mambabastos sa mga simbolo ng bansa sapagkat ang mga bagay na ganito aniya ay ipinagsasawalang bahala lamang ng mga mamamayan.

Ipinadala na ang bill sa Bicameral Conference Committee kung saan i-re-reconcile ito sa bersyon ng Senado. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Panukalang batas na paparusa sa maling pag-awit ng Lupang Hinirang lusot na sa Kamara
»Tagalog News: DFA naghahanap ng mga certified public accountants
»September registers lowest inflation this year
»RH advocates to bishops: Practice what you preach, learn respect
»Gov't employees participate in "Walk and Bike for a Cause 2010 PART III"
»CSC-XI personnel conduct charity mission
»Aboitiz to build coal power plant in Davao
»Iran's ban of agri products stalls 50M boxes of Davao cavendish bananas
»DAR installs Davao Oriental beneficiaries
»DSWD opens 1st search for child-friendly police station in Davao City
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines