Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 14 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/10/26

Tagalog News: PNoy biyaheng Vietnam ngayong araw

Manila (26 October) -- Nakatakdang tumulak patungong Hanoi,Vietnam si Pangulong Benigno Aquino III ngayong araw.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, siya ay makikipagpulong kina Vietnamese President Nguyen Minh Triet, Vietnamese Prime Minister Nguyen Tan Dung at Communist Party of Vietnam Central Committee General Secretary Nong Duc Manh.

Dagdag pa ng DFA na apat na kasunduan ang inaasahang malalagdaan sa nasabing pagbisita.

Ito ang mga agreements on Academic Cooperation, Defense Cooperation, Oil Spill Preparedness and Response at Search and Rescue at Sea.

Magbibigay din ng talumpati ang Pangulo sa isang investment conference na lalahukan ng mga negosyante mula sa Timog Silangang Asya at siya ay makikipagkita sa mga lider ng Filipino community doon upang ipaalam sa kanila ang mga programa ng kanyang administrasyon para sa mga OFWs.

Matapos nito ay dadalo si PNoy sa pulong ng mga lider ng mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations na idaraos sa Vietnam mula October 28 hanggang 30.

Kabilang sa mga pag-u-usapan sa summit ang human rights, maritime security, climate change mitigation and adaptation, disaster management, pagsugpo sa terorismo at kapakanan ng mga migrant workers.

Maliban sa Pilipinas at Vietnam, miyembro rin ng ASEAN ang Brunei, Singapore, Laos, Thailand, Myanmar, Cambodia, Indonesia at Malaysia.

Ang ASEAN summit ay susundan ng ASEAN Plus Three summit kung saan lalahok ang mga lider ng China, Japan at South Korea at ng East Asia summit kung saan makikibahagi ang India, New Zealand at Australia. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: PNoy biyaheng Vietnam ngayong araw
»Tagalog News: Election sa Koronadal City matatapos bago ang alas-diyes ng umaga
»ASEAN Children's Forum participants urge governments for tougher laws vs child pornography
»Feature: Tie for kagawad 7th slot solved by "orchestrated" drawing of lots
»Cebuano News: PNP nagdeklara sa barangay, SK elections malinawon sa kinatibuk-an
»Waray-Waray News: Kadelatar han pandul-ong han mga parapernalia han eleksyon, hahangyo-on han PPCRV ha Comelec nga susihon
»Dagupan elections extended till Wednesday
»19 Dagupan barangays to hold polls Wednesday
»Pangasinan News: Tuloy lad Miercoles eleksyon ed 19 barangay na Dagupan
»Butuan Comelec bares official result in 27 barangays
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines