Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 9 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/26

Tagalog News: Plenary debates ng 2011 national budget maaring mapanood ng live sa official website ng Senado

Manila (26 November) -- Sa kauna-unahang pagkakataon ay maari nang mapanood ng live ang mga nagaganap na plenary debates sa Senado patungkol sa 2011 national budget sa official website nito na www.senate.gov.ph.

Ayon kay Senador Kiko Pangilinan, napagdesisyunan ng mataas na kapulungan ng Kongreso na i-live stream sa internet ang mga deliberasyon upang malaman ng publiko ang kapupuntahan ng pondo ng bayan.

Sinabi naman ni Senate Finance Committee chairman Franklin Drilon na sa kanyang tansa ay maipapasa nila sa third reading ang General Appropriations Act of 2011 sa December 1 o 2.

Matapos nito aniya ay magpupulong ang bicameral conference committee sa December 6 upang i-reconcile o pagkasunduin ang mga pagkakaiba sa bersyon ng Senado at Kamara.

Kapag nareconcile na ang mga pagkakaiba ay ibibigay na ito sa Pangulo upang kanyang pirmahan at maging ganap na batas.

Ang sampung ahensya na makakakuha ng malaking porsyento ng 1.645 trillion peso national budget sa susunod na taon ay ang Department of Education (207.3 bilyong piso), Department of Public Works and Highways (110.6 bilyong piso), Department of National Defense (104.7 bilyong piso), Department of Interior and Local Government (88.2 bilyong piso), Department of Agriculture (37.7 bilyong piso), Department of Social Welfare and Development (34.4 bilyong piso), Department of Health (33.3 bilyong piso), Department of Transportation and Communication (32.2 bilyong piso), Department of Agrarian Reform (16.7 bilyong piso) at ang hudikatura (14.3 bilyong piso). (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Nueva Ecija joins fight for poor people's resilience to climate change
»DILG sets dates for SK municipal, city, provincial, national federation elections
»Tagalog News: Plenary debates ng 2011 national budget maaring mapanood ng live sa official website ng Senado
»Tagalog News: Mayon volcano at iba pang prominenteng tourist spots ng Pilipinas tampok sa mga redesigned na perang papel na ilalabas ng BSP ngayong Disyembre
»DTI bullish on more exports under free trade agreements
»Davao brings anti-terror campaign to grassroots
»DCOTT chief bewails pickup system
»Biodiversity Summit in Davao Region set
»Eco-tours, caving sked on fruit season
»Kapalong revives info quiz
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines