Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 16 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/26

Tagalog News: Mayon volcano at iba pang prominenteng tourist spots ng Pilipinas tampok sa mga redesigned na perang papel na ilalabas ng BSP ngayong Disyembre

Manila (26 November) -- Tampok ang imahe ng Mayon volcano at iba pang prominenteng tourist spots ng bansa sa ilalabas na redesigned na perang papel ng Bangko Sentral ng Pilipinas ngayong Disyembre.

Ayon kay BSP Deputy Governor Armando Suratos, bukod sa paglalagay ng mga prominenteng tourist spots ay mayroon ding improved security features ang mga bagong pera na makakatulong upang madaling malaman ng publiko kung tunay ba ito o peke.

Dagdag pa ni Suratos na may larawan na ni dating Pangulong Corazon Aquino ang bagong 500 peso bill kasama ang kanyang asawang si Benigno Aquino Jr.

Samantala, nakatakda namang ilabas ng BSP ngayong araw ang mga pera na may pirma ni Pangulong Benigno Aquino III.

Paglilinaw ng BSP na ang mga perang papel na ito, na pinangalanang "New Series", ay hiwalay pa sa ilalabas nilang redesigned bank notes sa susunod na buwan.

Mananatiling nasa sirkulasyon ang mga kasalukuyang perang papel ng tatlong taon matapos ilunsad ang redesigned versions ng mga ito. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Nueva Ecija joins fight for poor people's resilience to climate change
»DILG sets dates for SK municipal, city, provincial, national federation elections
»Tagalog News: Plenary debates ng 2011 national budget maaring mapanood ng live sa official website ng Senado
»Tagalog News: Mayon volcano at iba pang prominenteng tourist spots ng Pilipinas tampok sa mga redesigned na perang papel na ilalabas ng BSP ngayong Disyembre
»DTI bullish on more exports under free trade agreements
»Davao brings anti-terror campaign to grassroots
»DCOTT chief bewails pickup system
»Biodiversity Summit in Davao Region set
»Eco-tours, caving sked on fruit season
»Kapalong revives info quiz
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines