Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/30

Tagalog News: DSWD Sec. Soliman, nakiusap na wag bigyan ng pera ang mga batang lansangan na nagcacarolling sa daan

Manila (30 November) -- Nakiusap si Social Welfare Secretary Dinky Soliman sa publiko na wag bigyan ng pera ang mga batang lansangan na nagcacarolling sa daan ngayong panahon ng kapaskuhan upang hindi sila mawili na gawin ito.

Ayon sa kalhim, masyadong delikado para sa mga bata ang pangangaroling sa lansangan pagkat maari silang masagasaan ng mga sasakyan na posibleng magresulta ng kanilang kamatayan.

Dagdag pa ng kalihim na pwedeng ikonsidera ang pangangarolling sa daan na isang uri ng pamamalimos, bagay na labag sa batas.

Kaya naman binabalaan ni Soliman ang mga magulang ng mga naturang kabataan na sila ay mapaparusahan kapag napatunayan na kanilang pinepwersahan ang kanilang mga anak na mamamalimos sa lansangan.

Nakasaad aniya sa Article 59 ng Presidential Decree 603 o Child and Youth Welfare Code na ang sinumang mapapatunayang direkta o di direktang pumupwersa sa mga minor de edad na mamamalimos ay maaring makulong ng mula dalawa hanggang anim na buwan o di kaya ay magmulta ng hindi bababa sa 500 piso.

Sinabi pa ni Soliman na marami pang ibang paraan kung paano matutulungan ang mga batang lansangan.

Ang dapat lamang aniyang gawin ay makipagugnayan sa DSWD, lokal na pamahalaan o sa mga Non-governmental organizations. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: DOLE iginiit na hindi nangangailagan ng Filipino nurses ang Israel
»Tagalog News: DSWD Sec. Soliman, nakiusap na wag bigyan ng pera ang mga batang lansangan na nagcacarolling sa daan
»Government calls for intensified breastfeeding promotion among pregnant women
»Leyte dad joins high-level confab for nat'l land use policy
»Cebuano News: Palasyo nagsiguro nga ipadayon ang panagsabot sa kalinaw tali sa mga rebelde, MILF
»Cebuano News: Pilipinas mikondena sa pag-atake sa North Korea sa South Korea
»Cebuano News: DOLE nag-ingon nga dili kinahanglan ang mga Filipino nars sa Israel
»Cebuano News: Presidente Aquino midepensa sa pag-iban sa budget sa SUCs
»Waray-Waray News: Aquino gindepensahan an pag-iban san budget san state universities
»Caraga Region: Sweet 16 on 2011
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines