Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 21 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/12/06

Tagalog News: PNOY ginawaran ng parangal ang electric cooperatives na naging bahagi ng Task Force Kapatid

Manila (6 December) -- Ginawaran ng parangal ni Pangulong Benigno Aquino III noong Biyernes ang 13 electric cooperatives na naging bahagi ng Task Force Kapatid na siyang tumulong maibalik ang suplay ng kuryente sa mga lugar na lubhang napuruhan ng bagyong Juan noong Oktubre.

Sa kanyang talumpati, binati ng Pangulo ang mga volunteer linemen at foremen ng First Laguna Electric Coop. (FLECO), Pampanga I Electric Coop. (PELCO I), Pampanga II Electric Coop. (PELCO II), Peninsula Electric Coop. (PENELCO), Nueva Ecija I Electric Coop.(NEECO I), Nueva Ecija II Electric Coop.-Area 1(NEECO II-Area 1), Nueva Ecija II Electric Coop.-Area 2(NEECO II-Area 2), Tarlac I Electric Coop.(TARELCO I), Tarlac II Electric Coop. (TARELCO II),Zambales II Electric Coop. (ZAMECO II), Benguet Electric Coop.(BENECO), Quirino Electric Coop.(QUIRELCO) at Nueva Vizcaya Electric Coop. (NUVELCO) dahil matagumpay nilang naibalik ang suplay ng kuryente sa karamihan ng mga tinamaang lugar sa Cagayan, Isabela, Kalinga at Apayao sa loob ng pitong araw.

Ito, ayon sa Pangulo, ay di hamak na mas mabilis kumpara sa rehabilitasyon ng mga distribution lines na sinira ng mga bagyong Ondoy at Pepeng na inabot ng ilang buwan bago makumpleto.

Inilahad ng Chief Executive na naglaan ng 1.4 bilyong piso ang kanyang administrasyon para sa Department of Energy sa susunod na taon upang tiyakin na magiging stable ang suplay ng kuyente sa buong bansa pagkat ito aniya ay isa sa mga susi sa pag-unlad ng ekonomiya.

Ang Task Force Kapatid ay inorganisa ng National Electrification Administration upang saklolohan ang apat na lalawigan na pinakapininsala ng bagyong Juan.

Ang 13 cooperatives na naging bahagi ng task force ang siyang sumagot sa sweldo at allowance ng kanilang mga ipinadalang volunteers. (PIA) [top]

|«  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Cebuano News: Otoridad motabang sa imbestigasyon sa kalapasan sa tawhanong katungod
»Tagalog News: PNOY ginawaran ng parangal ang electric cooperatives na naging bahagi ng Task Force Kapatid
»Tagalog News: Malakanyang kumpyansa na mapipirmahan ni Pangulong Aquino ang 2011 national budget bago matapos ang taon
»PNoy cites Task Force Kapatid volunteer coops
»Palace congratulates Donaire for his victory over Sidorenko
»PRO1 aims for COPS 2011
»Commentary: CCT at work
»Waray-Waray News: Palasyo ikinalipay an bag-o nga travel advisories
»Waray-Waray News: Mga bag-o nga opisyal han DOT, IBP iginpublikar han Palasyo
»Waray-Waray News: Palasyo ginlamano hi Donaire kontra kan Sidorenko
|«  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines