Tagalog News: DOLE naglaan ng hotlines para sumbongan ng employers na hindi magbibigay ng 13th month pay
San Fernando City, Pampanga (9 December) -- Naglaan ng mga hotlines ang Department of Labor and Employment kung saan maaring isumbong ang mga employer na hindi magbibigay ng 13th month pay.
Sa Gitnang Luzon, ang mga hotlines ay (045) 455-1613 at (045) 455-1619.
Ani Labor secretary Rosalinda Baldoz, ang naturang benepisyo ay nakasaad sa Presidential Decree No.851 at ito ay dapat maibigay sa mga empleyado bago o sa mismong bisperas ng Pasko.
Dagdag pa ni Baldoz na ang halaga dapat ng ibibigay ng employer ay katumbas ng isang buwang sweldo ng manggagawa.
Samantala, lininaw naman ng kalihim na nananatiling management prerogative ang pagbibigay ng christmas bonus sa mga empleyado. (PIA) [top]