Tagalog News: Pulis, military, mga pampublikong guro hindi kabilang sa Rationalization Plan - Palasyo
Manila (4 July) -- Sa isang National Disaster Coordinating Council – Cabinet Cluster Meeting inihayag ni Cabinet Secretary Ricardo Saludo na mahigit 20, 000 lamang na mga kawani ng pamahalaan ang mabibiyayaan ng Rationalization Plan. Hindi umano kabilang ang mga pulis, military, at mga pampublikong guro.
Ang rationalization plan ay programa ng administrasyon na tutugon sa pagsasaayos ng sistema ng ating pamahalaan.
Sa ilalim ng nasabing programa, ang mga beneficiaries ay makakatanggap ng fair compensation.
Binigyaan diin naman ni Saludo na ang nasabing programa ay voluntary lamang. Kung nanaisin ng isang kawani na manatili sa serbisyo ng pamahalaan ay mabibigyan ito ng nababagay na posisyon batay na rin sa kanyang karanasan at mga kakayahan. (ajph/PIA 12) [top]