Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 8 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << December 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5 6 7
8 9 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2008/08/29

Tagalog News: Mindanao Roundup: AFP umapela sa NGOs kaugnay sa pamamahagi ng tulong sa mga evacuees

Koronadal City (29 August) -- Umapela ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa non-government organizations (NGOs) na makipagtulungan sa local government units (LGUs) upang masegurong maayos na maipapa-abot sa nararapat na beneficiaries ang tulong na ipagkakaloob ng mga ito lalo na sa mga biktima na nasa evacuation centers.

Tiwala ang AFP na ang LGUs ay may sapat na kaalaman kung kanino at sino ang mas higit na nangangailangan ng tulong kung saan napag-alaman na karamihan sa mga evacuations centers na pinagkalooban ng tulong ng NGOs ay non-existent at mas malayo sa population centers.

Ayon naman kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 10 Regional Director Atty. Aracelli Solamillo, may kabuuang P1.945 million ang naipalabas na pondo ng kanilang tanggapan para sa food at non-food items tulad ng paper plates, tents, mosquito nets ng mga evacuees na biktima ng pagsalakay ng rebelding grupo. (Abbenal/PIA 12)


P5-M inilaan sa makapagtuturo sa kinalalagyan ni Kumander Bravo

Limang milyong piso ang inihandang pabuya sa makapagtuturo sa kinalalagyan ngayon ni Kumander Bravo, isang kilabot na kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Una rito napag-alaman ng mga autoridad na si Kumander Bravo ang responsable sa serye ng pambobomba at iba pang terrorist activities sa Mindanao kung saan maraming mga inosenteng sibilyan ang nadamay, kagaya na lamang sa nangyaring pagsalakay sa Kolambugan at Kauswagan, Lanao del Norte kamakailan.

Tinuturo ring mastermind ang naturang grupo sa pagwasak at pagsunog ng mga kabahayan sa nabanggit na lugar kung saan nagdulot ng malaking epekto sa hanapbuhay at kabuhayan ng mga residente.

Kaugnay nito nananatiling matatag at nagsasagawa ng operasyon ang tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command laban sa naturang grupo. (Lgtomas/PIA 12)


Ilang barangay sakop ni Commander Umbra Kato nakubkob ng militar

Tuluyang na kubkob ng militar ang ilang Barangay na sakop ng 105 Base Command ni Umbra Kato.

Sa isinagawang clearing operations ng militar noong Agosto 26 sa Takanalipao, sa bayan ng Mamasapano, upang tugisin si Kato, naka-recover ang mga tropa ng 6th ID ng improvised explosive device sa nasabing lugar.

Natagpuan din ng mga tropa ng 75th Infantry Battalion ang tatlong plastic bag na naglalaman ng pulbura, live ammunition nitrate, isang tubo ng C4, apat na RPG, tatlong rifle grenade, anim na round ng M203 at isang alarm clock na pinaniniwalaang ginagamit sa paggawa ng IED o bomba.

Patuloy ang paggalugad ng mga tropa ng gobyerno sa mga iba't-ibang lugar upang tugisin at arestuhin si Kato na nahaharap sa mga kasong murder, robbery-in-band arson at iba pa. (pbc/PIA 12)


Military pinasinayaan ang pitong proyekto sa Sulu

Dahil sa pagkaka-isa at pagtutulungan ng Joint Special Operations Task Force-Philippines Task Force at Provincial Government ng Sulu sa humanitarian goals, pinasinayaan ng mga military ang pitong proyektong ipinatayo sa lalawigan ng Sulu.

Kabilang sa nakumpletong proyekto ang apat na deep well projects na ipinatayo sa mga Barangay ng Timpook, Taung, Tanum, at Liang sa bayan ng Patikul kung saan pinasinayaan din ang bagong school building para sa Bon-bon Elementary School, ang matagumpay na konstruksyon ng Liang's Circumferential Road at Datu Odin road.

Tiwala si Joint Task Force (JTF) Commander Maj. Gen. Juancho Sabban sa kahalagahan ng pagtutulungan at pagkaka-isa ng lahat tungo sa kaunlaran at hangaring mabigyan ng access sa pangunahing pangangailangan ang mga mamamayan sa lugar. Isa din umano sa pangunahing priyoridad ng mga military ang pagseguro sa kaligtasan at seguridad ng bawat mamamayan ng lalawigan.

Dagdag pa nito na sa pamamagitan ng peace and development initiatives ng mga military, pagtutuunang pansin pa umano nito na mapabuti pa ang pagbibigay serbisyo nito sa mga mamamayan ng nabanggit na lalawigan. (Abbenal/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Mindanao Roundup: AFP umapela sa NGOs kaugnay sa pamamahagi ng tulong sa mga evacuees
»Tagalog News: Global economic situation tinalakay ng ASEAN Ministers
»Tagalog News: Presidential Roundup: PGMA naniniwalang magampanan ni Rep. Locsin ang CARL extension
»Proposals for NCCA-funded projects deadline set Sept 30
»NIA Benguet to hold irrigation forum
»BFAR cultures alternative fish species, as price of "tilapia" feeds continue to soar
»Kalinga gets P10-M FMR fund
»Cordillera leaders urge reforesting the "indigenous way"
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines