Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 19 August 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << August 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3
4 5 6 7 8 9 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/02/05

Tagalog News: Saudi Arabia magpapadala ng business mission sa Pilipinas

Manila (5 February) -- Ipinaalam ni King Abdullah ng bansang Saudi Arabia kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na magpapadala ito ng high-level business mission sa Pilipinas sa buwan ng Abril taong kasalukuyan upang maghanap ng investment opportunities sa Philippine agriculture sector.

Ayon kay Agriculture Secretary Arthur Yap, nais ng pamahalaan ng Saudi Arabia na palawakin ang kanilang samahan sa Pilipinas sa pamamagitan ng pamumuhunan sa iba't-ibang sektor ng bansa tulad na lamang ng agrikultura dahil nakikita umano ng mga ito ang malakas na potensiyal at matatag na ekonomiya ng bansa sa kabila ng suliraning pang-ekonomiya sa buong mundo.

Ayon pa kay Yap, bumuo na rin ang monarkiya ng Saudi Arabia ng inter-agency committee na binubuo ng mga ministers ng foreign affairs, agriculture, commerce at industry upang magsagawa ng isang investment program para sa agrikultura ng mga ibang bansa lalong-lalo na sa Pilipinas.

Ipinaliwanag naman ni Yap na ang pamumuhunan ng Saudi Arabia sa agrikultura ng iba't-ibang bansa ay naglalayong matugunan ang tumataas na pangangailangan ng bansa sa pagkain partikular na sa prutas, gulay at livestock. (Lgtomas/PIA 12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Saudi Arabia magpapadala ng business mission sa Pilipinas
»Tagalog News: Suliranin ng mga pre-need companies sa bansa reresolbahin
»Tagalog News: Skills retooling program para sa mga manggagawang Pilipino ipatutupad - PGMA
»Tagalog News: Pamahalaan inaasahang magpapalabas ng isang milyong trabaho para sa mga magsasaka
»Philhealth 12 conducts forum with stakeholders
»Tagalog News: Random drug testing sinimulan na ng Deped
»Tagalog News: Red-carpet welcome para kay PGMA mula sa Prime Minister ng Bahrain
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines