Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 16 October 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4 5
6 7 8 9 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/06/17

Tagalog News: GSIS lumobo ang pautang sa unang 3 buwan ng 2010 dahil sa G-W@PS

Manila (17 June) -- Nagtala ng bagong rekord sa laki ng pinautang ang Government Service Insurance System (GSIS) sa unang tatlong buwan ng kasalukuyang taon dahil sa mabilis na pag-proseso ng mga pautang sa GSIS Wireless Automated Processing System (G-W@PS).

Base sa datos ng GSIS Information Technology and Services Group (ITSG), tumaas ng 112.74 porsyento ang naipautang mula Enero hanggang Marso ngayong taon na nagkakahalaga ng halos P8.88 bilyon mula sa P4.17 bilyon na ipinautang sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Umabot sa 324,202 loan applications ang ipinroseso sa G-W@PS at inaprubahan ng GSIS sa unang tatlong buwan ng 2010.

Inaasahan ng GSIS na magtatala ito ng pinakamalaking halaga ng pautang ngayong taon base sa mga datos na ito.

Dumanas ng pagbagal ng operasyon ang GSIS noong 2009 dahil sa problema nito sa database system sanhi ng depektibong management software ng IBM na kung tawagin ay IBN-DB2. Sa kabila ng pagbagal ng operasyon, patuloy na tumaas ang halaga ng pautang ng GSIS at humigit pa sa doble noong Oktubre hanggang Disyembre noong nakaraang taon.

Sinabi din ng GSIS na sa kabila ng pagbagal ng operasyon noong 2009, nakapagpautang pa din ito ng P49.84 bilyon noong nakaraang taon na pinroseso sa mga G-W@PS kiosk nito.

Idinagdag ng GSIS lumipat na ito sa bago at mas angkop na software system, ang Oracle, upang mapabilis ang operasyon nito, kabilang ang pag-proseso ng mga loan application.

Sa pamamagitan ng G-W@PS kiosk, nakakapag-aplay ng utang ang mga GSIS member at pensioner gamit ang online system kaya hindi na kailangan ng anumang dokumento.

Maaaring iproseso sa G-W@PS kiosk ang mga loan application tulad ng P10,000 cash advance loan, consolidated salary loan at policy loan. Maaari ding iproseso ang pension loan ng mga pensyonado sa G-W@PS kiosk.

Maliban sa pagproseso ng loan application ay maaari ding makita ng mga GSIS member at pensioner ang kanilang mga rekord sa GSIS sa G-W@PS kiosk. Maaari ding i-activate ang kanilang eCard sa G-W@PS kiosk.

Samantala, maaaring i-renew ng mga pensioner ang kanilang aktibong estado sa GSIS sa G-W@PS kiosk sa buwan ng kanilang kapanganakan. Ito ay para masigurong tuloy-tuloy ang pagtanggap ng buwanang pensyon.

Kamukha ng isang ATM machine ang G-W@PS kiosk na may touch screen monitor. Pinagsama-sama ang mga teknolohiya dito tulad ng radio frequency identification, biometrics, general packet radio service, short message service, at virtual private network.

Matatagpuan ang mga G-W@PS kiosk sa mga opisina ng GSIS at ilang piling ahensya ng pamahalaan sa buong Pilipinas. Kailangang may eCard ang GSIS member o pensioner para gumamit ng G-W@PS. (GSIS/PIA-Caraga) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: GSIS lumobo ang pautang sa unang 3 buwan ng 2010 dahil sa G-W@PS
»GSIS gives educational assistance, boosts employment rate with STI tieup
»Tagalog News: P10,000 loan ibibigay sa GSIS members na may UMID-compliant eCard
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines