Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 30 June 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << June 2022 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/07/21

Tagalog News: US nangakong patatagin ang pakikipag-ugnayan sa administrasyong Aquino

Manila (21 July) -- Ipinahayag ng bumisitang si US undersecretary for Political Affairs William Burns na committed ang pamahalaang Estados na lalo pang patatagin ang ugnayan sa administrasyong Aquino sa pamamagitan ng pagtulong upang maabot nito ang mga economic goals at maitaguyod ang karapatang pantao ng bawat Pilipino.

Sa kanyang pagdating sa bansa, ipinaabot ni Burns ang imbitasyon ni US President Barack Obama kay Pangulong Aquino na bumisita sa Washington at ang mainit nitong pagbati sa bagong Pangulo ng Pilipinas.

Ayon kay Burns, tutulong umano ang Estados Unidos na maabot ng pamahalaang Aquino ang mga "ambitious priorities" nito na kinabibilangan ng poverty reduction, kalusugan, edukasyon at job creation.

Kanila din umanong pinag-usapan ng Pangulong Noynoy Aquino ang iba pang mga mahahalagang priorities gaya ng judicial reforms, pagpapalakas ng kampanya para sa accountability at transparency at ang kampanya laban sa corruption na itinuturing na mahalaga para sa bawat malayang lipunan.

Ayon din kay Burns, alam ng pamahalaang Estados Unidos ang mga problemang hinaharap ng Pangulong Aquino kung kayat umaasa itong ang lahat ay malalampasan ng bagong Pangulo ng Pilipinas. (ac agad PIA12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: US nangakong patatagin ang pakikipag-ugnayan sa administrasyong Aquino
»Tagalog News: Binay nanumpa bilang housing czar
»Tagalog News: Karagdagang insurance para sa mamamahayag hinihiling ni Zubiri
»Tagalog News: PNoy ipagpapatuloy ang cash subsidy program sa mahihirap na pamilya
»Tagalog News: ADB itinaas sa 5% ang GDP ng bansa
»Tagalog News: Coloma inilahad ang nais ni Senator Trillanes na lumahok sa Kongreso
»Tagalog News: KOICA maglalaan ng pondo para sa Genetic Improvement Program ng PCC
»Tagalog News: Malakanyang sinigurong magpapatuloy ang serbisyong pampubliko
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines