Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 26 February 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << February 2020 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/09/01

Tagalog News: "Poorest of the Poor" makakabenepisyo sa 2011 government budget

Manila (1 September) -- Higit na makakabenepisyo ang tinaguriang mga "poorest of the poor" sa isinumiteng P1.654 Trillion na National Budget para sa susunod na taon.

Ang 2011 government budget, ayon kay Presidential Communications Development and Strategic Planning Secretary Ramon "Ricky" Carandang ay magbibigay ng higit na pansin sa mga mahihirap dahil sa pagtaas ng alokasyon sa social services tulad ng edukasyon, pangkalusugan, social welfare at housing.

Pahayag pa ni Carandang, inihinto ang ibang mga programa tulad ng Food for School ng Department of Education at ang Input Subsidies at Kalayaan sa Barangay program ng Department of Agriculture sa halip, minabuti ng Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III ang paglalagay ng pondo sa Conditional Cash Transfer ng Department of Social Welfare and Development, scholarship program ng DepEd at ang National Health Insurance Program.

Dagdag ni Carandang, layunin ng pagtaas ng budget sa social services ang masegurong mabigyan ang mga mahihirap ng pagkakatong magkaroon ng "fighting chance" na mai-angat ang kanilang pamumuhay.

Bilang pagtalima sa kautusan ng Pangulo na itaguyod ang transparency at accountability sa bureaucracy, sa ilalim ng 2011 budget, inatasan ang mga implementing agencies na i-publish sa kani-kanilang websites ang estado ng mga proyekto at ang paggamit ng pondo. (drewhornales/PIA12) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Malakanyang ideneklarang walang "news blackout" sa panahon ng crisis situation
»Tagalog News: Pamahalaan gustong maging bahagi ng UN Contact Group against Piracy
»Tagalog News: "Poorest of the Poor" makakabenepisyo sa 2011 government budget
»Tagalog News: Huwag madaliin ang pag-abolish ng VFA - Enrile
»Tagalog News: Journalists, media dapat malaman ang ethics ng crisis reporting - UP
»Tagalog News: PNoy pinagpaliban ang biyahe sa Indonesia at Vietnam
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines