Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 21 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << May 2019 >> 
S M T W T F S
1 2 3 4
5 6 7 8 9 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2009/03/11

Tagalog News: Pagpapaunlad ng mga produkto mula sa saging, ipatutupad sa San Narciso

by R. Orinday

San Narsiso, Quezon (11 March) -- Ang pagpapaunlad ng mga produkto mula sa saging kagaya ng banana chips, banana catsup, banana flour at iba pang produkto mula sa saging ay ilan sa mga gagawan ng product development ng pamahalaang bayan dito.

Ito ang isa sa mga napag-usapan ng Department of Trade and Industry (DTI-Quezon) sa pangunguna ni Provincial Director Marcelina Alcantara at ni Mayor Eleonor Uy ng San Narciso sa ginanap na KALAHI Caravan sa bayang ito kamakailan.

Upang maisaayos ang mga kinakailangan sa product development, kinausap ni Dir. Alcantara ang mga banana farmers, banana traders at at potential investors. Dito ay kanya ding ipinahayag ang mga programa ng DTI upang ang banana chips ay maging pangunahing pangkabuhayan ng mga magsasaka. .

Sa ginanap na KALAHI Caravan, ang DTI ay nagsagawa ng isang pagsasanay tungkol sa paggawa ng banana chips hanggang sa packaging at labeling nito. Marami dito ang sumali sa programa ay naghahangad ngayong magnegosyo ng banana chips at ang DTI ay siya namang maghahanap ng mamumuhunan upang mailagay sa pamilihan ang mga produkto.

Kaugnay nito, ang pagpapaunlad ng mga produkto mula sa saging ay patuloy na pagtutuunan ng pansin ngayon ng pamahalaang bayan ng San Narciso katuwang ang DTI Quezon. Ang programang ito ay kaugnay din sa programang "One Town One Product Philippines" ng Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na naglalayong matulungan ang mga mamamayan o magsasaka sa bayan ng San Narciso na magkaroon ng hanapbuhay sa pamamagitan ng paggawa ng mga natatanging produkto mula sa saging. (PIA-Quezon) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Commentary: Guarding the Comelec
»DSWD 8 recruits enumerators for National Household Targeting System in Catbalogan
»Waray-Waray News: Hataas nga panan-aw han mga komersyante ha BIMP-EAGA
»RP gets co-op award
»Hiligaynon News: Paghimo sang epektibo ngapaagi sa pagpapas sa "tungro" kag ilaga sa Aklan, ginmando ni DA Sec Yap
»Hiligaynon News: Certified seeds, igapanagtag sa mga mangunguma sang Aklan
»Hiligaynon News: Upisina sang Ombudsman, magakampanya sa pag-implementar sang Oplan Red Plate
»Tagalog News: Pagpapaunlad ng mga produkto mula sa saging, ipatutupad sa San Narciso
»DepEd seeks partners in dental colleges; turns over nat'l oral health survey
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines