Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 26 February 2020 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << February 2020 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/18

Tagalog News: Muling operasyon ng Marawi telephone exchange hindi pa rin tiyak

by Bobby Ilupa

Islamic City of Marawi (18 Nobyembre) -- Nakabitin pa rin hanggang ngayon ang inaasam-asam na muling pagbabalik ng operasyon ng Marawi Telephone Exchange.

Mag-aapat na taon na ngayon simula noong tumigil ang operasyon ng nasabing tanggapan dahil ninakaw ang telephone cable nito dito sa lungsod ng Marawi.

Mayroong mga technicians at engineers mula sa Commission on Information and Communications Technology Region 12 na nagsagawa na ng ocular inspection sa mga lugar na pagkakabitan sana ng wireless telephone ilang buwan na ang nakalilipas ngayon.

Sa pakikipanayam ng Radyo ng Bayan, sinabi ni Marawi Telephone Exchange Manager Mohammad Naim Rataban, ang nasabing wireless telephone project sana ng Australian government ay hindi natuloy marahil dahil naapektohan din ito ng kontrobersiyal ng NBN-ZTE project ng pamahalaan.

Sinabi ni Rataban na aabot sa mahigit- kumulang pitong milyong piso ang kakailanganin upang maibalik ang operasyon ng Marawi Telephone Exchange.

Ang nasabing pondo ay maaari ng maikabit ang may dalawang daan at limampo'ng linya ng telepono sa Mindanao State University campus at sa mga tanggapan ng Marawi City Hall.

Nguni't sinabi niya na sa kasalukuyan ay may mahigit isang milyong piso lamang ang pondo na nasa pangangalaga ng kanilang regional office sa Koronadal City.

Ito ay batay na rin sa sinabi sa kanya ng kanilang regional director.

May dalawampo't dalawang kawani ang Marawi Telephone Exchange at lahat sila ay halos walang ginagawa dahil sa sitwasyong ito.

Umaasa si Rataban na makagagawa ng paraan si Pangulong Aquino upang maibalik na ang mga linya ng telepono sa Marawi City dahil ito ay kailangang-kailangan ng mga tagarito bagama't mayroon ng makabagong teknolohiya tulad ng cell phone na nagagamit.

Mas malinaw ang komonikasyon at mas mura pa rin ang telepono kung ihahambing sa cell phone, dagdag pa niya. (DXSO Radyo ng Bayan Marawi) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Tagalog News: Muling operasyon ng Marawi telephone exchange hindi pa rin tiyak
»Over 9,000 families receive beef in Lanao Norte
»New trade financing trends need enhanced SME support
»Trade chief explains RP's low utilization of FTA benefits
»Aquino gov't determined to enact long overdue national land use policy law
»ACFTA promotes partnerships, joint ventures
»RP urged to address non-tariff barriers
»Initiatives to enhance mobility of consumers, education services providers pushed
»Tagalog News: Pangulong Aquino positibo sa makukuhang suporta ng PPP
»President Aquino optimistic of PPP support
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines