Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 24 January 2022 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << January 2022 >> 
S M T W T F S
1
2 3 4 5 6 7 8
9 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2010/11/26

Tagalog News: Camarines Norte provincial hospital nagpa-alala sa mga may Philhealth cards

Legazpi City (26 November) -- Malugod na inaanyayahan ng pamunuan ng Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH) ang lahat ng empleyado ng gobyerno, pribadong tanggapan at mga residente ng lalawigan ng Camarines Norte na sa CNPH na ipakonsulta at ipagamot ang kanilang mga mahal sa buhay.

Upang mapabilis ang paglilingkod, palagiang dalhin ang Philhealth Card na may lagda at larawan ng nagmamay-ari, at ang yellow card na galing sa social worker ng CNPH gayundin ang dispensary card sa anumang transaksiyong medical.

Ang mga may hawak naman ng Philhealth sa Masa o cardholder na may lagda ni Governor Edgardo A. Tallado ay may nakalaang gamot para sa kanilang karamdaman at mapabilis din ang paggaling at maipagkaloob ang serbisyo-medikal na kinakailangan.

Ipinaaabot din ng CNPH sa lahat ng pasyente na may diabetes, na may Diabetic Clinic sa Out-Patient Department (OPD) na itinalagang mangasiwa dito ang isang doctor gayundin ang nurse, at nutritionist na magbibigay ng kaalaman at impormasyon sa nutrisyon sa mga dayabetiko at ang paraan ng pagkontrol sa nasabing sakit.

Mayroon ding mga technical health workers na dumadalaw sa kanilang mga lugar upang maipalaganap ang mga programa ng Department of Health (DOH) para mabigyan ng mga serbisyo-medikal lalo na ang mga nasa malalayong barangay ng lalawigan ng Camarines Norte. (Reyjun/PIA Camarines Norte) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Cebuano News: Lagda ni PNoy naa na sa bag-ong salapi sa Pinas
»Cebuano News: Gi bag-ong amnesty proclamation tua na sa Senado
»Army rescue teams conduct cleanup drive in Sorsogon
»Tagalog News: Masbate naghahanda na sa eleksyon ng Liga ng mga Barangay at SK Federation
»Calapan lass emerges champion in 19th regional stat quiz
»Tagalog News: Camarines Norte provincial hospital nagpa-alala sa mga may Philhealth cards
»Tagalog News: OPAG Camarines Norte isasagawa ang provincial RIC Achievement Home Extension Day celebration
»Crime situation in Central Visayas down by 26%
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines