Tagalog News: OPAG Camarines Norte isasagawa ang provincial RIC Achievement Home Extension Day celebration
Legazpi City (26 November) -- Isasagawa ngayong araw ang Provincial Rural Improvement Club Achievement Home Extention Day Celebration na gaganapin sa Little Theater ng Camarines Norte Agro Sports Center ng provincial capitol.
Pangungunahan ito ng pamahalaang panlalawigan at ng Office of the Provincial Agriculturist sa pamamagitan ng Provincial Rural Improvement Club.
Dadaluhan ito mula sa Provincial RIC officers, members ganundin ang municipal coordinators at mga participants.
Tema ng programa ang "Paigtingin at Palawakin ang Pakikilahok ng Kababaihan para sa Pagbabagong may Pagkakapantay-pantay".
Ayon kay Provincial RIC Coordinator Erlinda G. Saņez, Senior Agriculturist ng OPAg, ito ay bilang paggunita ng pagkakatatag ng home extention dahil dito nabuo ang Rural Imrovement Club at maipakita rin ang kanilang mga livelihood projects ng RIC.
Isasagawa dito ang awarding of capital for livelihood project beneficiary, demo on fish embutido at rag making, wellness and healthy lifestyle at magkakaroon naman ng coronation rites para sa Mrs. Camarines Norte Rural Improvement Club 2010.
Nakatakda namang maging panauhing pandangal sina Governor A. Tallado, Director Marilyn V. Sta. Catalina ng Department of Agriculture Regional Field Unit V (DA-RFU V) at si Provincial Board Member Teresita DL. Malubay ng sangguniang panlalawigan.(Reyjun/PIA Camarines Norte) [top]