Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 21 October 2021 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
 << October 2021 >> 
S M T W T F S
1 2
3 4 5 6 7 8 9
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31
Special News Editions:
English.Tagalog.Cebuano
Ilocano.Waray.Hiligaynon
Pangasinan.Other
PIA Specials:
NEW! Cabinet Officials
Jobs.Slides.Specials.Ads. Events.ASEAN.Multimedia
Visitors since 15 Feb 2011:
PIA News Archive:
English.Tagalog.Cebuano
Waray.Hiligaynon.Ilocano
Pangasinan.All
PIA Archive News Reader

PIA Press Release
2006/06/30

Komentaryo: Patuloy ang laban kontra komunista

by Rose Palacio

Davao City (30 June) -- Patuloy na sinusunod ng military forces and order ni Pangulong Arroyo na labanan ang armadong komunistang rebelde, upang makamit ng bayan ang tunay na kapayapaan na hina hangad ng sambayanang Pilipino.

Una sa lahat, hindi gawain ng gobyerno na pumatay ng tao o manira ng mga ari-arian dahil lamang sa hindi pagbabayad ng buwis na siyang gawain ng NPAs.

Ikalawa, ang pamahalaan kung nangongolekta man ng buwis ay may malinaw na pinaggagamitan nito tulad ng basic services at infrastructures. Ang NPAs, saan dinadala ang mga revolutionary tax? Sinabi ng AFP na pananakot pa nga ang ginagawa ng NPAs, ginugulo nila ang buhay ng mga negosyate at mga tao na hindi nagbibigay ng revolutionary taxes sa kanila.

Totoong naghihirap ang maraming lalawigan, subali't hindi ito bunga ng kapabayaan ng gobyerno kundi dahil na rin sa panghaharang ng mgag NPAs na may control sa mga lugar, ayon sa AFP.

Kung dinadala ng gobyerno ang kaunlaran ay masisira ang kanilang kapit sa mga tao at malalantad ang kanilang kasinungalingang kontra sa pamahalaan, ayon sa AFP.

Panahon na upang tuldukan ang problema sa insurgency sa bansa. Totoong hindi mawawalan ng pagrerebelde dahil second-nature o naturalesa na ng tao na pumalag at kumontra sa mga umiiral na situwasyon at panuntunan hanggang sa puntong gumagamit na sila ng dahas.

Gayunman, hindi ito katwiran para hindi sawatain ang mga bandido at mga terorista na ginagamit ang ideolohiya na wala namang nauunawaan para lamang bigyang katuwiran ang krimen laban sa bayan, ani AFP.


Sa Isyu ng Pagbitiw ng mga Sundalo

Magmula noong administrasyon ni dating Pangulong Corazon Aquino ay hindi na nawalan ng problema ang pamahalaan mula sa hanay ng Philippine Marines.

Bunga marahil ito ng kanilang mataas na ideolohiya sa pakikipaglaban para sa bayan at prinsipyo para sa kanilang propesyon.

Pinakahuli rito ay ang kontrobersiyal na pagbibitiw diumano ni Col. Orlando de Leon, chief of staff ng Marine Corps, ang ikatlo sa pinakamataas sa naturang hanay ng Philippine Navy.

Dismayado diumano sa sobrang pulitika itong si de Leon kung saan sinasabi sa ipinakalat ng oposisyon na kopya ng kanyang resignation letter ang disgusto nito sa pagkawala ng values, integridad, katapatan at tapang ng mga miyembro ng military.

Gayunman, sa pahayag ng spokesman ng Marines na si Lt. Col. Ariel Caculitan, tinanggal na sa puwesto si de Leon bilang bahagi ng normal na palitan ng tao at ang inihalili ditto ay si Lt. Col. Armand Banez.

Anuman ang katotohanan sa mga nangyari sa Marines, sana lamang ay huwag na magpagamit sa pamumulitika si de Leon tulad ng ginagawa ngayon ng oposisyon. (PIA) [top]

  prev  next  »|
DAILY NEWS LIST:
»Komentaryo: Patuloy ang laban kontra komunista
»Tagalog News: Programa para maresolba ang awayan, pina-igting
»Tagalog News: NDCC abala sa contingency measures kontra bagyong Domeng at Mt. Bulusan
»Moreno says "Kurambos" do the works
»PHIC PRO-X honors top collecting banks
»DBM's Commissary Assistance opens in CdO
»2 major political parties out of multi-parties' merger, says Adamat
»Datuin: Recent survey pegs ChaCha acceptability at 64%
»All set for Qur'an reading tilt
»Alien working permits simplified
  prev  next  »|

Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
Copyright © 2005 Philippine Information Agency
PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines