Komentaryo: Sa Nursing Exam
by Rose B. Palacio
Davao City (18 October) -- Ilalabas ng Department of Labor ang kanilang rekomendasyon hinggil sa kahihinatnan ng mga Nursing students na nakibahagi sa 2006 Nursing Board Examination.
Tiniyak ng Malakanyang na mananagot sa batas ang mga estudyante at ilang mga namamahala ng mga review centers na sangkot sa naganap na dayaan sa pagsusulit. Sa report ng NIB aabot sa l7 katao ang inisyal na masasampahan ng kaukulang kaso dahil sa nasabing dayaan.
Sang-ayon kay Press Secretary Ignacio Bunye, sinisikap lamang ng gobyerno na mailagay sa tumpak na kalagyan ang Nursing scam upang maprotektahan ang mga narses na may mataas na integridad sa ibang bansa.
Nabisto sabwatan sa Kuryente
Nabisto ang sabwatan ng MERALCO, NAPOCOR at PSALM o Power Sector asset and Liabilities management corporation sa price fixing sa halaga ng kuryente sa spot market.
Ayon kay Albay Congressman Joey Salceda, ang mga ganitong uri ng manipulasyon ay dapat bigyan ng atensiyon ng ating pamahalaan upang maibsan ang pasanin ng publiko sa mahal na halaga ng elekrisidad.
Isang malaking kapalpakan dito ay ang pag-award ng PSALM sa consortium na nakabase sa Malaysia ng P30-billion na halaga ng 600=megawatt Masinloc power plant sa Zambales gayung kahit na ang downpayment na $200-M ay hindi pala nito kayang bayaran.
Nalugi ang ating gobyerno dito dahil sa pagmamagaling ng ilang taga-PSALM na sinasabing nakakubra na ng kanilang performance bond gayung palpak ang nasabing transaksyon, ani Salceda. (PIA) [top]