Komentaryo: Overtime ang ginagawa ng pamahalaan para sa ekonomiya
by Rose B. Palacio
Davao City (27 October) -- Determinado ang pamahalaang Arroyo na mapabuti ang gumaganda nang ekonomiya ng bansa kung kaya’t panay ang overtime na ginagawa ng kanyang mga economic managers sa pag-asang lalong gumanda ang ekonomiya para sa ikabubuti ng taumgbayan.
Sinabi ni Press Secretary Ignacio Bunye na target ng pamahalaan na tuluyang mag-take-off ang ekonomiya sa 2010 at nakikiayon dito ang World Bank.
Malalagay lamang ito sa alanganin ayon na rin sa World Bank official kung walang suporta ang tao pulitikal na tiyak na magmumula sa oposisyon.
Inaasahang tutulong din ang sambayanan upang gumana ang ekonomiya na mapapakinabangan mismo ng taongbayan, ani Bunye.
Todo bantay laban sa kidnapping
Nagbigay ng order si Pangulong Arroyo sa lahat ng law enforcement agencies na lalong palawakin at palakasin ang kampanya laban sa kidnapping kaugnay sa napabalitang nabibiktima ang mga Filipino-chinese communities sa buong bansa.
Maliban sa kampanya laban sa terorismo, pinaigting ng pamahalaan ang kampanya laban din sa kidnapping at ang military ay kaagad na gumawa ng panibagong estratehiya upang maprotektahan ang mga Chinese-Filipino businessmen.
Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, kailangan ding makipagtulungan ang mga witness sa mga alagad ng batas upang maparusahan ang mga nararapat at magdusa sa kulungan ang mga taong may sala. (PIA) [top]