Tagalog News: Resigned DND Secretary Cruz walang bakas sama ng loob sa pamahalaang Arroyo
Koronadal City (8 November) -- Inihayag ni DND undersecretary Rodel Cruz na ang pag-alis ni secretary Avelino Cruz sa gabinete ni Pangulong Arroyo ay hindi nag-iwan ng bakas ng pagiging indifferent nito sa pamahalaan bagkus ito ay isang professional decision.
Umapela naman si Usec Cruz sa magiging bagong DND secretary na sanay maipagpapatuloy nito ang Philippine Defense Reform (PDR) program, ang 15-year roadmap para sa reporma ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas na inumpisahan ni resigned secretary Nonong Cruz.
Maraming sector na rin ang nananawagan kay Pangulong Arroyo na isang civilian uli ang italaga sa defense post. Ito rin umano ay dapat na walang vested interest upang maprotektahan ang military sa pamumulitika at patronage o (bata-bata) system. (ac agad/PIA 12) [top]