Tagalog News: P0.50 roll back sa presyo ng LPG muling isinagawa
by MM Galdones
Koronadal, South Cotabato (8 November) -- Muli na namang nagsagawa ng P0.50 ng pagbaba sa bawat kilogram sa presyo ng liquefied petroleum gas o LPG ang mga dealers ng nasabing produkto. Ang pagbaba na ito ay paunang pagbaba pa lamang sa inaasahang P1.50 reduction sa LPG sa buwan ng Nobyembre.
Ayon kay Arnel Ty, presidente ng LPG Marketers Association (LPGMA), ang naturang pagbaba ay mag take effect mamamayang kalagitnaan ng gabi.
Sa bago nito rates, ang regular 11-kilogram LPG tank ay mabibili sa halagang P454.
Dagdag pa ni Ty, bagamat hindi man agarang ma-impose ang P1.50 full reduction, aasahan namang muling magsasagawa ang mga LPG dealers ng P0.50 roll back sa susunod na linggo. (PIA 12) [top]