PIA Press Release 2006/11/08
Tagalog News: Pagbuti ng credit rating at paglakas ng piso ng bansa, malaking tulong para sa mga Pilipino
Koronadal, South Cotabato (8 November) -- Inihayag ni Press Secretary at Presidential Spokesman Ignacio R. Bunye, ang Pilipinas ay nakalikom ng tinatayang P22 billion bilang resulta ng pagbuti ng credit rating at pagtaas ng halaga ng piso kontra dolyar sa mga nakaraang mga buwan.
Dagdag pa ni Bunye ang pagtaas ng nasabing savings ay ilalaan sa pagdaragdag ng mga silid-aralan, mga bagong libro, mga scholarships, dagdag computers, at pag-hire ng mga guro, pagbibigay ng PhilHealth cards sa mga mahihirap nating kababayan, pagbebenta ng mga gamot sa mabababang halaga, at social services.
Ipinag-utos naman ni Pangulong Arroyo kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Rolando Andaya, mula sa nasabing savings, ang P16 Billion ay mapupunta sa edukasyon, P5 billion sa kalusugan, at P1 billion sa social services. (ajph/PIA 12) [top]
|