Tagalog News: Pangulong Arroyo pina-imbestigahan ang napabalitang drug money ginagamit sa rebelyon
Manila (17 March) -- Ini-utos na ng Palasyo ang pag-iimbestiga sa ini-ulat na paggamit umano ng pondo galing sa illegal na druga para sa operasyon ng mga Communist at Moro rebels ng bansa.
Iniulat ng US Joint Inter-Agency Task Force-West, may mga patunay umanong mayroong secret laboratories ang gumagawa ng mga methamphetamine hydrochlorine o (Shabu) sa mga lugar kung saan ang mga ito ay kadalasang nakikita.
Nakipag-ugnayan na rin ang US Joint Inter-Agency Task Force-West sa mga opisyales ng Philippine Drug Enforcement Agency bahagi sa pagsasanay at information exchange programs na popondohan ng US government. (CGI/PIA 12) [top]