Tagalog News: Gross International Reserves (GIR) inasahang tataas
Koronadal, South Cotabato (30 April) -- Inaasahang tataas ang Gross International Reserves ng bansa sa halagang $26 billion ngayong taon, mataas kaysa sa inaasahang target nito na $24 billion dollars ito’y dahil na rin sa heavy dollar inflow mula sa Ovesease Filipino Workers (OFW), higher exports, foreign portfolio investments, at foreign direct investments.
Ang GIR na itinuturing na key indicator ng bansa na may kakayahan na makatulong sa foreign exchange requirements ay binubuo ng central bank’s holdings of gold, Special Drawing Rights (SDR) kasama rin ang International Monetary Fund, foreign investments at foreign exchange.
Ito rin ay nagpapahintulot ng pagbabayad ng maaga sa panlabas na utang ng bansa na naging resulta ng mababang interest rates ng borrowing sa hinaharap at upang manumbalik ang kakayahan ng bansa na maprotektahan ang local currency mula sa mababang epekto ng speculation at hindi matatag na foreign exchange market. (Abb/PIA 12) [top]