Tagalog News: Estudyanteng Pilipino makikiisa sa kampanya laban sa Global warming
Manila (30 April) -- Inihayag ni Press Secretary at Presidential Spokesperson Ignacio R. Bunye, na inaasahan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang partisipasyon ng mga estudyanteng Pilipino na makikiisa sa kampanya laban sa global warming at climate change. Inutusan na ni Pangulong Arroyo ang Department of Education na ipatupad sa mga public school sa Science curriculum subjects ang tungkol sa dalawang wheather phenomena.
Ang nasabing kautusan ay binigyang diin ng Pangulo sa isinagawang Earth Day celebration month sa Malakanyang noong nakaraang April 23, 2007.
Dagdag pa ni Bunye na pangngunahan ng mga estudyante ang Green Philippines Environmental Plan na binubuo ng reforestation; pangangalaga sa lamang dagat at waterways; paglilinis sa bayan at air of pollutants na sumisira sa kalusugan ng mamamayan at energy conservation. (Abb/PIA 12) [top]